Naturo noon sa amin ang topic about Repression.
Repression |riˈpreSHən|nounthe action of subduing someone or something by force.• the restraint, prevention, or inhibition of a feeling, quality, etc.: the repression of anger can be positively harmful.• the action or process of suppressing a thought or desire in oneself so that it remains unconscious.
Salamat sa built-in dictionary sa laptop. Ayan daw ang meaning.
So i-translate nyo nalang sa tagalog para hindi na ako mahirapan pang mag-explain sa inyo. Basahin nyo nalang ng medyo mabagal para ma-absorb nyo talaga ang meaning. Hahaha. Pero sige, bilang mabait naman talaga ako kahit hindi naniniwala ang karamihan. Ii-explain ko na.
In tagalog. Ito daw yung pagpipigil at pagtatago ng mga masasakit na karanasan malayo sa kamalayan ng isang tao. Kalimitan itong tinatago sa likod ng kamalayan at pilit na hindi inilalabas sa level na ito para hindi maramdamang muli ang mga masasakit na kaganapan kasama ng karanasang yun. Ok class, ilabas ang 1/4 sheet of pad paper at may short quiz tayo. Haha.
Ahhh.. ganon pala yun. Simple lang yung konsepto ng Repression. Nakaka-tremble lang kasi in english itinuturo, bukod sa nosebleed ay may kasabay pang brain bleed. Hard to comprehend. Haha.
Marami tayong mga karanasan na pilit din nating itinatago. Mga bagay na alam nating makakasakit sa atin o mga bagay na nakasakit na sa atin dati pero itinago nalang natin sa loob natin dahil hindi natin alam kung paano ito haharapin. Yung tipong next time nalang natin problemahin kapag dumating na, pansamantala o minsan pansamantagal nating itatago sa loob natin. Lahat naman ng tao ganito. Kanya kanya lang kung paano dadalhin at panghahawakan.
Pero hindi ko naisip kung paano na yung puntong babalikan ka na ng bagay na pilit mong iniiwasan?
Ngayon ko lang nalaman.
Ngayon ko lang ulit naramdaman.
Masakit pala. Nagtapang tapangan lang ako at pinilit ang sarili na kaya ko pero kapag pinaglaruan ka pala ng panahon kung saan mararamdaman mo ulit yung sakit na kasama ng itinatago mong karanasan ay pilit na guguho yung bakod ng tapang na binuo mo. IIyak ka nalang. Maalala yung karanasan at muli nalang babangon sa pagkakadapa.
Kung noon ko naramdaman yun, malamang namaluktot nalang ako sa takot. Maiirita sa lahat ng taong makakaharap at iinit ang ulo ng biglaan. Magagalit sa mundo na parang walang bukas.
Ayun ay kung noon.
Malaking salamat nalang ako dahil ngayon ay nasagip ako ng isang yakap. Isang mahigpit na yakap na nagpagaan at nagpalakas ng loob ko. Yakap na nagpaalala sa akin na hindi pala lahat ay magkakapareho.