Yung tang!n@ng feeling na gusto mong magmura dahil hindi ka desirable para iba. Ang hard non. Daig pa ang tama ng pang-KO na suntok ni Marquez kay Pacquiao. Parang masarap lagutan ng hininga ang bawat taong dadaan sa tapat mo na may limang puntos na lamang sa iyo sa paliligo. Mamahaling muk-up ata ang ginamit para maging kabigha-bighani sa iba o sadyang may pera para ipaayos ang mga imperfection. Pinakamasakit ay yung natural na nabiyayaan ng kaibig-ibig na itsura na hindi man lang ibinahagi sa iyo. Hard yun med. Hard.
Kahit ilang beses ka pang mag-emo sh!t sa daan at magpapungay ng mga namamagang mata ay wala pa din lalapit sa iyo dahil you’re nothing but a second rate trying hard Kero Kero Keroppi. Ewan ko ba naman kung bakit hindi naging si Kero Kero Keroppi ang naging peg na pagkopyahan kasi cute yun kaso na-inspire ata sa mga kalaban ni Shaider na sa loob pa ng Time Space Warp nanggaling. Walang ibang paraan kundi idaan nalang sa mura ang kinahinatnan.
Ang hirap lang. Mas mahirap tanggapin na ayun ka na talaga at wala nang ibang lusot pa. Araw araw ka nalang magtitiis sa harap ng salamin kahit gustong gusto mo nalang mapuwing sa tuwing makikita ang repleksyon mo sa kahit anong reflective na bagay. Pero habang natagal, wala ka na din magagawa. Mai-immune ka nalang at paminsan minsan ay magsusulat ng post na kagaya nito na parang gusto mo nalang magmura dahil bumalik na naman yung tang!n@ng feeling dahil hindi ka desirable para iba




No comments:
Post a Comment