Oo kanta yan, pero hindi talaga sa kantang yan ang post ko, may connect the dots lang sila ng slight very very light.
Naransanan mo na ba yung takot na hindi mawalawala sa iyo tapos kapag andun ka na sa mismong panahon kung kailan kailangan mo ng harapin ang bagay o pangyayari na kinatatakutan mo e parang hindi naman pala siya ganoon nakakatakot? At matatawa ka nalang na natakot ka dun?
Hmp.. Pagod magexplain. Dire-diretso yun. *hingal*
Sabi nga sa psychology, iyan daw yung mga phobias. Irrational fear to something. Mga nonsense na takot. Mga takot na wala namang dahilan o kung meron man parang tanga lang na dahilan.
Imagine mo nalang ang buhay mo kung yung mga bagay o pangyayaring mga kinatatakutan mo ay matuklasan mong hindi naman pala nakakatakot. Parang malaya kang makakagalaw at mas maraming mga magagandang bagay ang mararanasan mo dahil sa kalayaang iyon.
Pero ang naisip ko, paano mo matatakasan ang takot na yun kung sa simula palang ay takot ka ng maranasan yung takot na yun? Ang gulo no? Pero nawa’y naintindihan mo.
Takot ka nga eh, paano mo mararanasan yung bagay na kinatatakutan mo? Di ba? Di ba? For sure na iiwasan mo yun at mararanasan mo lang yun sa mga hindi inaasahang pagkakataon.
Pero kung iisipin, pwede naman e. Yung takot mo kasabay sa kagustuhan mong makalaya sa takot na yun, ayun ang magbibigay sa iyo ng lakas para simulang harapin ang bagay o pangyayaring gusto mong kalimutan. Ang galing lang na makakahugot ka ng lakas sa kahinaan mo.




No comments:
Post a Comment