Sunday, October 28, 2012

pakiramdaman


I.
Pasulyap sulyap ang tingin ko sa kanya. Busy kasi siya sa pinapanood na pelikula. Iniintindi ang bawat salitang binibitiwan ng mga karakter at sinusundan ang mga kilos at galaw nila. Doon ako nakakakuha ng tyempo para sulyapan ang mukha niyang kinahahayukan ko sa kabila ng araw araw naming pagkikita. Hindi na ako nagsawa. Walang nakaka-alam pero marami paniguradong nakakapansin. Magkaibigan kasi kami at hindi na maiiwasang magkasama kami palagi.
Malayo ang agwat ng itsura naming dalawa base sa mga kaibigan din naming nakapaligid sa amin. Para daw akong gatas at siya ang kape kapag kami ay magkasama. Kung pasok pa ang ang beauty and the beast ay ganoon ang ipaparatang nila sa amin kapag kami ay makikita, ayun nga lang ay hindi naman daw ako beauty, handsome daw.
Hindi ganoon kagandahan ng itsura niya kumpara sa tipikal na kagandahan na sinasabi ng karamihan. Taliwas doon ang gandang nakikita ko sa kanya. Marami pa ang magsasabing mali ako at hindi ganda ang nakikita ko kundi kalaswaan lang. Pero mali sila. Hindi kalaswaan. Mas naiisip ko ang mahawakan ang kamay niya habang naglalakad kaysa sa makasama siya sa higaang dalawa kaming hubad.
Napatingin na naman ako sa kanya. Sana hindi niya napansin.
II.
Kailan ko kaya masasabing gusto ko siya? Pero ang kinatatakot ko ay gusto din ba niya ako?
Kaibigan ko siya. Ayun ang alam niya pero iba na ang nararamdaman ko para sa kanya. Sana hindi niya ito makita o sana ay huwag ko munang ipakita. Hindi pa kasi ako handa. Ngayon lang din naman ako nakaramdam ng ganito at ayaw ko pang ipakita sa ibang tao. Minsan nga ay pinipilit ko pa din ang sarili ko na nagkamali ako pero may boses sa loob ko na tumatanggi.
Mahal na bang masasabi ng gusto kong hawakan ang kamay niya habang naglalakad sa daan? Gusto ko siyang tulungan sa lahat ng problema niya at maging katuwang sa mga pinapasan niyang kalungkutan. Maging panyo niya sa tuwing siya ay iiyak at parte o kahit maging dahilan ng kanyang kasiyahan. Pagmamahal na ba yun o libog lang?
Sige na mahal ko na siguro siya. Pero posible nga bang maging kami? Katulad ng pelikulang pinapanood ko ngayon na hayagang nagsasabi na ang may mga itsura lang ang may karapatang umibig at lumigaya. Nakakainis parang nawawalan ako lalo ng lakas ng loob na magsabi ng totoo kong nararamdaman sa kanya. Bakit ba naman kasi hindi nalang nahawa ang kulay ng balat ko sa ganda ng hubog ng katawan kong kinaiinggitan ng lahat, kung nangyari man yun, tiyak hindi na ako mahihirapan.
Nakakainis talaga itong pinapanood kong palabas, hindi ko maintindihan sa kaiisip ko sa kanya.
Ayan napatingin na naman siya.

Friday, October 26, 2012

Kanina lang may nabalitaan akong may nag-auction ng kanyang virginity. Asteg. Inisip ko baka pinoy yun dahil alam mo naman na magaling ang mga pinoy sa mga pagkakakitaang bagay pero hindi pala, foreigner siya.

Mali ang akala ko. Ang alam ko kasi tayong mga pinoy magaling sa pag-iimbento ng mga pakulo kagaya nyan. Sino ba naman ang gustong magutom sa panahon ngayon? Kapag may pagkakataon para kumita nakakagawa tayo ng paraan para kumita. Katulad ngayong nalalapit na undas. Dumaan ngayon sa daraanan mo pagdatin ng araw ng undas, malinis naman ang lugar at wala pa masyadong nagbebenta dun, tiyak yan pagdating ng araw ng undas o bisperas palang ng undas hindi na magkamayaw ang mga tindero't tindera na kung ano ano ang ibinibenta. Ganyan din sa amin e. Minsan nga kapag nadadaanan ko ang mga paninda nila tuwing Nov 1, napapaisip ako kung ano ba ang kinalaman ng keychain na hello kitty, screw driver, pouch bag at blouse na tinitinda nila sa araw ng mga patay. Anong kayang konek nun?

Mahiwaga talaga ang takbo ng mga utak ng pinoy pagdating dyan. Ayun lang, naunahan sila ng foreigner na nabanggit ko kanina na nag-auction ng kanyang virginity. Sayang yun ha? Malaking kita din yun. Ang kaso baka nga naman kasi hindi naman uso sa pinoy ang auction. Ano ba yung auction? Nakakain ba yun? Char.

Isa pa sigurong dahilan kung bakit wala ng gagawa noon dito sa atin dahil kaunti nalang ang virgin? Patanong talaga dahil hindi pa naman ako nakakagawa ng malawakang research kung totoo ngang kaunti nalang ang virgin sa philippine archipelago. Try ko minsan kapag nagka-budget. Siguro yung iba half-virgin nalang, yung na-medyohan lang pero hindi to the full extent ika nga ng kaibigan kong baliw din like me.

Napapansin ko sa ngayon, hindi na ganoon ka-big deal ang virginity ng isang tao. Sige na isasama ko na ang lalaki para fair sa lahat. Hindi na kagaya ng dati ng parang requirements sa school na dapat virgin ka kapag ikinasal ka. E parang ngayon nga ay kung ano ano nang nagagawa ng dalawang taong magkarelasyon kahit hindi pa sila kasal. What more pa kung kasal na sila? Hindi ko na maimagine dahil Rated SPG na ang nasa isip ko.

Naabutan ko ang panahong nagbabago na ang pananaw ng mga tao tungkol sa issue ng virginity. Nakita ko noon ang pagiging konserbatibo ng mga tao sa bagay na ito. Tikom ang bibig nila noon sa usaping virginity. Kapag nabuntis o nakabuntis, ipapakasal agad. Kahit sa west lang o kung may pera sa simbahan agad. As in agad agad. Ganon. hanggang ngayon nga hindi ko alam kung bakit tinawag na west ang pagpapakasal na hindi ginagawa sa simbahan. Dahil ba literal na sa west yung lugar? O dahil may kasal din sa east? Ah ewan.

Ngayon kasi basta magustuhan mo ang tao ay deadma na kung virgin pa o hindi. Swerte mo nalang kung virgin pa pero ok na din kung hindi. Basta mahal mo ok na yun.

Sunday, October 7, 2012

Truth Hurts.


Well hindi naman palagi. The truth will always and be forever hurtful kung hindi mo ito tanggap. Kapag sinabi kasi sa iyo ang totoo, it will always try to break the walls that you build para lang huwag tanggapin ito sa sarili mo. Kasi nga hindi mo pa tanggap.
Kung tanggap mo na yan. Kahit i-replay pa yan ng 24 hours sa tapat mo ay parang wala nalang sa iyo yun. Sasabayan mo pa sila at magda-dance dance with the rhythm that it brings. Ganyan.
Ganyan naman ng tao. Normal lang na magtayo ng bakod sa kaharian ng isang tao para protektahan ang pagkatao nito at manatiling hari sa sarili niyang mundo. Sino nga ba ang hindi aayaw maging hari di ba? Pero sa panahong may lalapit at gigiba sa itanayong harang na ito, kapag may taong magsasabi ng kasalukuyang kaanyun at katotohanan na hindi nakikita dahil sa bakod na ginawa ng isang tao sa sarili niya, doon magsisimula ang pagkawasak.
Upang makilala ang isang bagay, kailangang wasakin ito — Edgar Calabia Samar.
Truth Hurts.
Kung masaktan ka man kahit na tanggap mo na ang isang bagay, marahil ay nasasaktan ka dahil nagsawa ka na sa kakaparatang nila sa iyo ng katotohanan. Sila naman ang hindi makatanggap ng katotohanang ipinaparatang nila sa iyo. Kahit na sanay ka na at nagda-dance dance ka na sa ritmong hatid ng katotohanang isinasampal sa mukha mo, may puntong mapapagod ka sa kakasayaw. Maiinip ka sa kakaantay na sila naman ang makatanggap sa katotohanang natanggap mo na sa sarili mo.
‘wag kang mag-alala, matatanggap ka rin nila.
At kahit na ano pa ang gusto mo, basta wala ka pang tinatapakan na tao, Ituloy mo lang ito.
Ang mahalaga ikaw ay masaya, ‘wag mong intindihin ang sasabihin ng iba. Sila ang may problema. — Ituloy mo lang, Siakol
Imbis na magalit at masaktan sa kakaantay sa ibang taong tanggapin ang mga katotohanan sa iyo. Hayaan mo nalang. Hindi mo na problema yun. Ang mahalaga ikaw ay masaya at wala kang natatapakang tao.