Andoon sya, ninanamnam ang kinakain niya.
Kumakain ng mainit na pagkain na minsan ay inihinanda niya sa taong pinakamamahal nya na sa ngayon eh wala na. Nginunguya ang bawat piraso ng pagkain kasabay ng mga alaala—-masaya at malungkot.
Kasabay ng bawat paglunok ay ang dahan pagtanggap sa realidad na wala na ang taong pinakamamahal nya.
Nagsimula ang lahat sa huling semestre niya sa kolehiyo.
Natural lamang sa mga magkakaklase ang maging malapit sa isa’t isa. Ngunit may kakaiba sa samahan nilang dalawa. Madami ang nakakapansin ng kakaiba nilang samahan.
Si Lauren ay presidente ng kanilang pangkat. Hindi naman sya ganon katalino pero matalino ang tingin sa kanya ng kanyang mga kamag-aral, marahil sa marami siyang sinalihang mga organisasyon sa skwelahan kung kayat ganoon nalang yung tingin nila sa kanya
Para sa kanya, kaya siya sumali sa mga organisasyong ito ay para mawalan siya ng panahon para sa ibang mga bagay maliban sa pag-aaral at mga tungkulin nya sa organisasyon. Madami syang nakikilalang iba’t ibang tao sa organisasyon, may iba’t ibang personalidad at ugali syang nakakasama. Dahil na din sa pakikipaghalubilo nya sa ibat ibang kalse ng tao, natutunan nyang rumespeto at umunawa. Ito lang din naman ang mga bagay na hinahangad niyang matanggap mula sa ibang tao.
Sa isang proyekto ng kanilang samahan nakilala niya si Carlaisle.
Kabaligtaran nya si Carlaisle, hindi ito akibo sa mga organisasyon sa paaralan nila. Madalas itong nasasangkot sa iba’t ibang klaseng gulo o mga negatibong kaganapan sa paaralan nila, kilala ito bilang isang siga sa pangkat nila. Wala siyang pinalalampas na panahon para maipakita sa ibang tao na malakas siya at wala siyang inuurungang laban. Kung susumahin ang lahat nga naging away nito, bihira sa mga ito ang naitalo niya, palaging siya ang lumalabas na panalo.
Naglalakad papauwi galing sa isang gulo si Carlaisle ng makita niya si Lauren na naglalakad sa kabilang bangketa.
Malimit na nauwi mag-isa si Lauren dahil nagpapaiwan pa ito sa kanilang paaralan para tapusin ang ibat ibang tungkulin nya sa organisasyon. Malimit din na sa tuwing uuwi syang mag-isa ay nakayuko ito at tinitignan ang bawat kwadradong semento na kanyang nilalakaran.
Kabisado na nya ang bawat establisyemento na kanyang dadaanan. Namumukaan na din siya ng mag tindera ng kendi at sigarilo sa may kanto kung saan siya nasakay ng dyip pauwi sa kanila.
Sa naiibang araw ng huwebes na ito, may kakaibang napansin si Carlaisle ng makita nyang nalalakad si Lauren.
Sandaling napahinto ang kamulatan niya habang naglalakad pauwi.
Sinundan nya ang bawat hakbang at kumpas ng kamay ni Lauren habang naglalakad. May kakaiba siyang naramdaman sa pagtitig nya sa nakatungong ulo ni Lauren na habang naglalakad ay pinagmamasdan ang bawat kawadradong semento na tinatapakan nya. May kakaibaing pagkalito at misteryo siyang naramdaman habang papalayo ang dyip na nasakyan ni Lauren papauwi sa kanila.
Kinabukasan, hindi sya mapakali sa kahapong naramdaman niya habang papauwi at makita si Lauren. May malaking pagtataka sa kanya ang katauhan ni Lauren at ninais niyang makita itong muli.
Nagpaikot ikot sya sa loob ng kanilang paaralan para lang masilayan muli ang mukha nito.
Inisa-isa nya ang bawat kwarto na posibleng puntahan ni Lauren at sa wakas nakita nya ito sa loob ng silid aklatan.
Nandoon ang taong nagbigay sa kanya ng kalituhan, pagdududa at misteryo.
Habang naglalakad papawuwi si Lauren, na kasabay na pinagmamasdan ang bawat kwadradong sementong kanyang nilalakaran, napansin niya si Carlaisle sa kabilang bangketa.
Nakatingin ito sa tinatahak nyang daan at mukang nawawala sa kamalayan nya.
Nakikita na niya si Carlaisle sa kanilang klase at alam niya ang bawat gulo at away na kinasangkutan nito. At dahil sa reputasyon nito na nakatatak sa kanya, natutunan na niyang umiwas para hindi masangkot o madamay pa sa mga gulo.
May isang pagkakataong nakita niya si Carlaisle na nakikipag-away sa ibang grupo na nanggaling sa ibang paaralan. Naging saksi siya sa bawat suntok ni Carlaisle sa nakakaawang estudyante na nakaluhod na halos sa lupa. Nasaksihan nya ang bawat dampi ng kamay nito sa halos duguang estudyante. Kitang kita niya ang malalaking bisig ni Carlaisle kung saan ito humuhugot ng pwersa at lakas. Nararamdaman niya ang nag-uumapaw na galit na tumatagos sa katauhan ni Carlaisle habang ito ay nakikipagbunong braso.
May kakaibang takot at kaba na naramdaman si Lauren sa mga puntong yon.
Nakapagtaka, ngunit kasabay nito ay may naramdaman din syang pagkalito.
May kung anong presensya ang nagliliwanag sa katauhan niya sa mga puntong pinagmamasdan niya ito habang nakikipagaway.
Mula noong huling nakita ni Lauren si Carlaisle na nakikipag-away, palagi na niya itong napapansin. Palihim niya itong sinusundan ng tingin habang naglalakad ito sa pasilyo ng kanilang paaralan at tuwing ito’y naglalakad pauwi.
Tahimik sa loob ng silid aralan.
Andoon si Lauren na nagbabasa ng mga libro at katatapos lang gumawa ng kanyang mga takdang aralin.
Nakadungaw sa labas si Carlaisle at pinagmamasdan si Lauren na tahimik na nakayuko sa pagbabasa. Andon siya, nakatayo at namimintig ang mga paa sa kadudungaw kay Lauren.
Alam niyang meron siyang lakas ng loob para lapitan si Lauren at magpakilala pero hindi iyon sapat. Madaming katanungan ang nasa isip niya ng mga panahong yon.
Ano kaya ang kanyang sasabihin. Paano niya sasabihin at ang pinaka-importanteng tanong ay kung bakit siya magpapakilala.
Sa isip niya, tanggapin kaya siya nito? Matakot kaya ito sa tanggkang pagpapakilala niya?
Ano ang pinakamagandang idadahilan nya sa pagpapakilala. Baka mapahiya lang siya at alam niya na hindi niya matatanggap yon.
Wala sa bokabularyo niya ang mabigo sa lahat ng kanyang ginagawa at inaasam.
Dahil na din sa hindi maipaliwanag na nararamdaman niya, ginamit na niya ang natitirang lakas na loob upang lapitan si Lauren.
Ramdam na ramdam niya na para syang nauupos na kandila sa bawat hakbang nya papalapit kay Lauren. Marin din niyang naririnig ang bawat kaluskos ng sapatos nya sa bawat lapat nito sa sahig habang binabagtas niya ang daan patungo kay Lauren.
Bahagya siyang nabingi sa katahimikang bumabalot sa silid aklatan na sinasabayan pa nang malakas na pintig ng kanyang puso.
Bawat usad ng kanyang paa ay tila namang sumisikip ang daanan ng kanyang hininga. At sa wakas, natapos din ang paghihirap niya. Nasa tapat na siya ni Lauren.
Nawala ang pagkakamanhid ng kanyang katawan. Ngayong nasa tapat na siya ni Lauren, namulat siya sa katotohanang lumapit siya dito at ngayon ay naglalakas loob na kausapin ang taong nagbigay sa kanya ng pagdudada at kaba.
Sa una, nahihirapan pa syang buksan ang bibig upang magsalita, para bang nagsasalita na siya pero walang lumalabas na tunog.
Nasa isip niya lang ang lahat.
Pakiramdam nya, lahat tumigil at sila lang dalawa ang nakatayo doon.
Napansin ni Lauren na may katagalan ng nakatayo sa tapat nya si Carlaisle. Ibang-iba ang tindig nito sa karamihan marahil sa mga pisikal na gawaing humubog sa kanya.
Kumilos lang si Carlaisle ng hindi sinasadyang mahulog ni Lauren ang librong nasa lamesa dahil sa pagkakaayos ng bag niya. Pinulot niya ito at iniabot ng dahan dahang ibinigay sa may-ari.
Malakas ang dagundong ng dibdib ni Carlaisle. Nanginginig ang boses niya sa hiya. Halos hindi marinig ang boses nya dahil sa hiyang nararamdaman niya.
“Hi, ako nga pala si Carlaisle”
“Salamat nga pala sa pagpulot. Ako si Lauren”
Sandaling usap lang yon pero pakiramdam niya, napakatagal ng oras sa mga sandaling yon.
“Pwede ba kong tumabi?”
Sandaling tumahimik . May pagdududa sa isipan ni Lauren ngunit sa huli.
“Sige.”
Ang tugon na yon ni Lauren ang nagsimula ng lahat.
Dumaan ang mga araw.
Iba na ang mga sumunod na ito sa mga nauna dahil sa pagkakakilala nila sa silid aklatan.
May mga sandaling magkausap na si Lauren at Carlaisle.
Nabibigyang pansin na ni Lauren ang presensya ni Carlaisle. Ngumingiti na ito kapag dadaan ang huli.
Sa silid aklatan kung saan sila unang nakapagusap, doon pa din sila muling bumabalik para madagdagan ang mga kaalaman nila sa isa’t isa.
Sa panglawang upuan ng tig-apat na silyang lamesa, sa kanang sulok ng silid aklatan, sa dulo ng estate ng mga lumang librong pangkolehio. Doon nila hinimay ang kani-kanilang pagkatao.
Inisa-isa nila ang mga kaganapan sa buhay nila na nagmarka sa kanila.
Inisa isa nila ang mga takot, saya at pighating nararamdaman nila.
Inilatag ang lahat ng sama ng loob na kanilang naramdaman
Kinupkop nila ang isa’t isa sa kanya kanyang pagkalinga.
Laong tumindi ang pagsasamahan nila kahit sa loob lang ng silid aklatan sila nagkakaroon ng ganitong pagkakataon para sa isa’t isa.
Sa labas kasi ng silid aklatan, halos hindi makikitang magkasama ang dalawa.
Malayong malayo kasi ang mundong ginagalawan ng dalawa.
Si Lauren kasi ay malimit na abala sa mga sinalihang mga organisasyon at mga gawaing pampaaralan. Si Carlaisle naman ay malimit na nasa bilyaran at nayayaya ng mga kaibigan sa mga lakwatsa at rambulan.
Madalang din silang makapag-usap sa publiko.
May takot sa bawat damdamin nila na makita sila ng ibang tao na magkasama. Bukod sa dahilang magkaiba ang mundong ginagalawan nila, hindi din naman sanay ang mga tao sa paligid nila na sila ay magkasama.
Halos alas Otso na ng gabi ng matapos si Lauren sa isang pampaaralang gawain. Lumabas na siya sa paaralan.
Malamig ang gabing yon, wala na halos mga estudyante sa paaralan. Malamig ang simoy ng hangin ng nobyembre at madami na ding tuyong dahon na nakakalat semento. Nasopresa siya at may halong tuwa ng makita nya si Carlaisle na nag-aantay sa labas.
Hindi niya inaasahan si Carlaisle na antayin sya. Wala naman silang usapan na aantayin siya nito.
“O, Ba’t nandito ka?” pagtataka ni Lauren.
“Inaantay ka.”
“Bakit mo naman ako inaantay?” Dumoble ang pagtataka ni Lauren, kung kaya’t idinaan nalang niya sa biro at nagtanong.
“Ihahatid mo ko sa amin? Malaki na ‘ko, makakauwi na ako mag-isa”
Pero mali ang iniisip ni Lauren at seryosong sumagot ang kausap ng. “Kung Papayag ka.”
Napatigil at lalaong napag-isip si Lauren.
Naisip niya na may ibang patutunguhan ang ganitong sitwasyon. Hindi naman sya mangmang sa mga ganitong bagay. Hindi na din siya bata para hindi maramdaman ang bagay na nais ipahatid sa kanya ni Carlaisle. Kung kaya nagtanong siya dito.
“Anong nais mong ipahiwatig sa gagawin mong yan?”
Malalim ang kanyang tanong, may kahulugan pero ito talaga ang nais niyang itanong kay Carlaisle. Mahalaga ang tanong na ito dahil sa kanya, kumpirmasyon iyon ng bagay na matagal na nyang ina-asam na maramdaman.
“Ano ba sa tingin mo ang nais kong ipahiwatig sayo?” tanong din ang sagot ni Carlaisle sa tanong nya.
Sa ganitong sitwasyon kung saan nasagad na ang kanyang pangangatwiran. Isa lang ang kanyang nasagot.
“Ewan ko”. Mahina ang sagot niya at may halong kalituhan.
Nagsimula na silang maglakad papalayo sa paaralan. Pareho silang tahimik habang unti unti silang umuusad.
Nagpapakiramdaman lang sila sa isa’t isa.
Naghuhulihan sila ng sulyap ng bawat isa. May tensyong namumuo dahil hindi sila pagpapansinan.
Nagsimula ng magbasag ng katahimikan si Lauren.
“Sigurado ka ba sa ginagawa mo?”
“Oo” sagot ni Carlaisle na may paninindigan.
“Hindi mo ba ‘ko pinaglalaruan?”
“Hindi”
“Bakit ako?” simpleng tanong, pero mahalaga para kay Lauren ang simpleng tanong na ito.
“Kasi hindi naman sila ikaw” medyo may kakornihan ang sagot ng kausap pero, totoo yon para sa kanya. Wala sa ibang tao ang nararamdaman niya.
Biglang nanghina si Lauren sa kanyang mga narinig.
Bumagsak lalo ang kanyang balikat na kanina pa nabibigatan sa dala dala nitong bag. Lalo niyang naramdaman ang lamig ng simoy ng hangin.
Niyakap niya ang sarili ng bahagyang bumangga muli ang simoy ng hangin sa kanyang balat.
“Heto jacket ko” pagkatapos ay sinuot niya ito kay Lauren.
Hindi na tumanggi si Lauren at nagpasalamat sa kasama. Ngunit nagtanong.
“Paano ka? Hindi ka nilalamig”
“Ok lang naman ako, sige, gamitin mo na yan, malamig masyado.” Pagpapaliwanag ni Carlaisle.
Ngayon lang naramdaman si Lauren ang ganito. Ngayon lang niya naramdaman na may napapahalaga sa kanya. Nabuhay kasi siya na ang nagpapahalaga lang sa kanya ay ang kanyang mga magulang at kaibigan.
Hindi pa naman din siya naibig at wala pa din naman siyang nakakarelasyon. At wala din siyang alam sa konsepto ng pakikipagrelasyon.
Hindi niya alam ang dapat niyang ikilos at dapat niyang sabihin. Hindi naman tinuro sa paaralan ang mga ganong bagay.
Hindi din niya kilala ang sarili niya kung pano siya umibig. Mapagparaya ba siya o madamot. Mapangunawa ba siya o makitid ang utak.
Wala siyang alam kung paano umibig ng ibang tao. Sa puntong ito ng buhay niya, naisip niyang subukan at alamin ang bagay na ito.
Tahimik siyang nagiisip at unti-unting inuunawa ang lahat habang naglalakad silang dalawa ni Caraisle.
Andoon siya, nakatungo habang magkasamang binabagtas ang bawat kwadradong semento na saksi sa paguusap nila.
Simula nang antayin siya ni Carlaisle noong isang gabi, inaantay na siya nito tuwing uwian.
Inaantay na din siya nito sa labas ng kanyang silid aralan.
Napapansin na din ng kanilang mga kaklase ang pagiging malapit nila sa isa’t isa. Nakakapag-usap na din sila ngayon sa harap ng maraming tao.
Unti unti na din natatanggap ng mga tao sa paligid nila ang kanilang pagiging magkaibigan.
Dahil sa pahatid hatid ni Carlaisle kay Lauren, Nakakapasok na din si Carlaisle sa lood ng bahay ni Lauren at kilala na din siya ng mga magulang nito.
“Ma, kaibigan ko po, si Carlaisle.” Pakilala ni Lauren.
“Good Afternoon po.” Malambing na dugtong ng binata.
Dahil sa kabaitang ipinapakita ni Carlaisle sa kanya, minsan na din niya itong sinundo sa bilyaran kung saan palagi itong nakatambay. Niyaya niya itong kumain at siya naman ang naging taya.
Ginawa niya ito upang iparamdam kay Carlaisle na nagpapasalamat siya sa pagpapahalaga nito sa kanya.
Bago lang naman din sa kanya ang ganitong gawain dahil wala pa din namang tao na gumawa nito sa kanya.
Nararamdaman niyang unti unti na din niyang nagugustuhan si Carlaisle.
Kakaiba ang pakiramdam ni Lauren pagpasok niya sa eskwelahan noong umaga. Nanghihina siya at medyo nahihilo. Matas na din ang temperatura niya at tila nilalamig.
Mainit din ang buga ng hininga niya habang nagsasalita.
Uwian na ng mapansin ni Carlaisle na mainit si Lauren. Nagduda ito ng mapansin niyang may dala itong jacket.
Hinaplos niya ang noo nito at nakumpirma na ito ay nga ay nilalagnat. Hinawakan niya ang mga gamit nito at inalalayan niyang umupo muna at magpahinga.
Nararamdaman niyang nanghihina na ang kasama dahil napahilig na ang ulo nito sa kanyang balikat.
Malamang ay nillalamig na din ito dahil hapon na at malamig na ang hangin.
Hinayaan nalang ni Carlaisle ang paghilig ng kasama para maibsan ang pagod at hilo nito.
Halos kalahating oras na ang nakalipas, naka-idlip na din si Lauren at nakalikom na siya ng konting lakas ng magsimula silang maglakad pauwi.
Pagdating nila sa bahay ni Lauren, inalalayan niya ito sa higaan. Kinumutan na niya ito at hinayaang magpahinga.
Saktong walang tao sa kanila dahil hindi pa umuuwi ang mga magulang ni Lauren kung kaya’t hinandaan niya ito ng pagkain. Naghanap siya ng mga maaring ilutong pagkain. Nakahanap siya ng carrots at sopas na pwede niyang iluto.
Habang inaatay niyang maluto ang pagkain, binabantayan niya si Lauren. Iniisip niya na sana gumaling na ito at maging mabuti na ang karamdaman.
Lumapit siya dito at tinignan ang temperatura.
Medyo bumaba na subalit basang-basa na ito ng pawis dahil sa pagakakayakap sa unan at pagtatakip ng kumot.
Nagising sa pagkakatulog si Lauren ng bahayang inayos ni Carlaisle ang kumot at unan nito.
“Anong oras na?” nanghihina nitong tanong
“Alas syete na, wala pa mama mo eh” tugon nito.
“Ipinagluto kita ng pagkain, kumain ka muna kahit kaunti, para bumalik ang lakas mo.” Dugtong nito habang inaalalayan niyang umupo sa pagkakahiga.
Dahan-dahan niyang sinusubuan ng mainit na sopas si Lauren ng mula sa kawalan ay nagsabi ito ng salamat.
“Salamat saan?” tanong ni Carlaisle
“Dito sa pagkain at pag-aalaga mo” tugon ni Lauren.
Ang pangyayaring iyon ang nagpatibay sa kakaiba nilang pagtitinginan.
Mapapansin na palagi silang magkasabay kumain kahit sa paaralan. Madami ang nagtataka sa kakaibang kilos ng dalawa pero hindi na lamang nila ito pinapansin. Basta ang alam nila, masaya silang magkasama.
Isang araw habang magkasama silang kumain. Tinitignan lang ni Carlaisle ang pagkain ni Lauren, sa loob niya, masayang masaya siya at kasama na niya ang taong pinakamamahal niya. At hindi na niya ito pakakawalan pa.
Sa puntong iyon ng pagkakatitig sa kanya ni Carlaisle. Napahinto si Lauren.
Tinititigan niya ng mata sa mata ang kasama. May mga mensahe silang ipinapahatid sa bawa’t isa sa kanila sa tahimik na sandaling iyon.
Malamya ang mata ni Lauren, malambing na pawang nagtatanong sa kasama kung ano na ba talaga ang tawag sa relasyon nila. Mahirap bigyan ng kahulugan ang lahat para sa kanya. Kaya siya nag-aaral ng husto para maintindihan ang mga bagay-bagay sa paligid niya. Gusto niyang unawain ang lahat sa abot ng kanyang makakaya at tanggapin ito sa kung ano ito.
Isa siyang taong nagbabase sa mga paktwal at makatotohanang bagay. Alam na niya na ang pasakit ay isa sa mga hindi nawawalang bagay sa mundo. Alam niya na hindi niya malalaman ang kaibahan ng kasiyahan kung wala ang kalungkutan. Alam niyang balanse ang lahat.
Nagsimula ng magsalita si Lauren. “Mahal mo ba ko?”
Nagulat si Carlaisle, Hindi niya inaasahan ang tanong na iyon sa kanya.
“Oo naman” ang mahina niyang tugon.
Nilakasan na ni Lauren ang kanyang loob at tinanong ang isang bagay na alam niyang mahirap tanungin.
“Alam mo naman sigurong maari mong ikasira ang nararamdaman mong ‘yan sa akin.”
“Alam ko… madami na ang nagtatanong kung ano daw ba ang relasyon nating dalawa pero hindi ko nalang sila pinapansin… basta ang alam ko… masaya ako kapag kasama ka.” matapang niyang sagot.
Naglakas ulit ng loob si Lauren at nagtanong. “Paano kung malaman nila ang nararamdaman mo para akin?”
“Bahala na..” Mapagsugal na sagot ni Carlasile, walang katiyakan pero buong tapang.
Inabot na ng gabi kakaantay si Carlaisle kay Lauren. Kaninang umaga lang ay kausap pa niya ito at masaya nilang pinaguusapan ang mga gagawin nila sa darating bakasyon.
Ninais nila na magpunta sa bahay ng mga magulang ni Carlaisle sa Ilocos at doon mamalagi sa bakasyon. Malawak ang lupain nila doon at makakapagpahinga sila ng husto.
Kasabay na din nito ang pagpapakilala ni Carlaisle kay Lauren sa mga magulang ng binata.
“Baka magulat nalang ang mga magulang mo kung ipakilala mo ‘ko” Pagpapaalala ni Lauren.
“Hindi naman, saka wala naman silang pakialam sa buhay ko, Iniwan nga nila ako at nabuhay ng kasama ko lang ang mga tiyahin ko dito sa Manila, kaya’t mauunawan nila ang desisyon ko.” tugon nito.
Wala sa hinagap ni Carlaisle ang tanong ni Lauren. “Kaya pala malungkot ka.”
Totoo ang sinabi nito ni Lauren.
Noong pagkabata pa lang ni Carlaisle, natuto na siyang mabuhay mag-isa. Bata pa lang siya ng iwan siya ng kanyang mga magulang sa kanyang mga tiyahin sa Manila para mag-aral ito at sila naman ay magtrabaho sa probinsya. Ang nagiisang kapatid ni Carlaisle ay kasama ng kanyang mga magulang sa probinsya.
Kaya siya lumaking matapang at handang harapin ang lahat ng pagsubok sa buhay kahit sa anong paraan dahil dito.
Matagal siyang naghahanap ng kalinga ng isang magulang. Matagal na siyang naghahanap ng kalinga ng ibang tao. Lalo na sa taong mahal niya.
“Ano tuloy tayo mamaya?” Tanong ni Lauren
“Oo, nakapagsabi na ako dito sa amin, alam naman nilang ikaw ang kasama ko.” Sagot ni Lauren.
Kakadating lang ni Carlaisle sa abangan ng Bus. Mahaba na ang pila sa bilihan ng ticket at isa doon si Carlaisle.
Nasa dulo siya ng linya at espekula niya na maabutan pa siya ni Lauren na nakapila pa din dahil sa haba ng pila.
Unti unting umusad ang pila, pakiwari niya mga limang tao na ang natapos sa harapan at ngayon ay nagigitgit na siya.
Lalo pang naging maalinsangan ang pakiramdam niya dahil suot niya ang damit na iniregalo sa kanya ni Lauren. Isa itong polo na mahaba ang manggas. Kulay abo—paboritong kulay niya.
“Carl, parang napapansin ko, wala ka masyadong polo?” tanong ni Lauren habang sarap na sarap kumain ng matamis .
“Oo nga no? Eh kasi hindi naman ako sanay sa mga ganong damit. Masyadong pormal.” sagot nito.
“Ah, saka bakit parang puro kulay abo ang mga damit mo? Paborito mo bang kulay
yun? Mapagmasid na tanong ni Lauren.
“Oo, yung kulay na yun, alanganing puti, alanganing itim. parang nasa pagitan lang.” Pagpapaliwanag niya.
Malakas ang pagdagundong ng mikropono at napatigil ang lahat para makinig.
Nagbigay na nang paalala ang kundoktor ng bus para sa mga pasahero, malapit na itong umalis sa loob ng ilang sampung minuto.
Wala pa sa mga oras na iyon si Lauren.
Nagaalala na ng husto si Carlaisle dahil hindi pa dumadating si Lauren, ilang beses na niya itong tinawagan subalit patay ng telepono.
Nakaalis na ang Bus pero hindi na talaga dumating si Lauren. Nag-antay pa din ng kalahating minuto si Carlaisle, subalit ni anino nito ay hindi na nagpakita. Sobra na din ang pag-aalala niya dahil sa nangyari. Halos malapit kumirot na ang ulo niya kakaisip sa kung ano na ang nangayari.
Naglakad siya papunta kila Lauren at sa malayo ay nakita na niya na madaming tao sa labas ng bahay ng minamahal niya. Nagmamadali siya sa paglapit. halos patakbo na sya sa pagmamadali, kung gaano kabilis ang knayang paa na tumapak sa lupa, ganon din kabilis ang pintig ng kanyang puso.
Pagdating niya sa tapat ng bahay, sinalubong siya ng mga magulang ni Lauren at luhaan.
Lumapit sila dito at sinabing hindi na kinaya ni Lauren at bumigay na ang katawan nito sa sakit. Malaki ang pagkakagulat ni Carlaisle dahil walang nababangit na kahit ano man si Lauren na patungkol sa sakit nito. Kasabay ng pagkakasabi sa kanya ng balitang dudurog sa puso niya.
Nagpasalamat ang mga magulang ni Lauren sa kanya.
Napansin ng mga magulang ni Lauren ang pagbabago ng kanilang anak simula ng dumating si Carlaisle sa buhay nito. Hindi na siya masyadong malungkot at nagbababad sa pag-aaral at nagsimula na itong magsaya at tumawa. Nakuha na din tanggapin ng kanyang mga magulang ang simpleng kaligayahan ng kanilang anak, kahit alam nilang hindi ito moral o tama sa tapat ng marami. Alam na din ng magulang ni Lauren na hindi na magtatagal ang buhay ng kanilang anak dahil nasabi na ito ng kanyang doktor. Itinago nila ang nakakapanlumong katotohanan sa kanilang anak at kaaplit nito ay ang kanyang kalayaan sa kung ano man ang gusto nitong gawin sa kanyang buhay.
Ang tangnong alam lang ni Lauren ay malubha ang kanyang kalagayan at kahit anong oras ay maari siyang magkasakit muli at maospital. Walang kamalay-malay si Lauren sa kalagayan niya.
Nakaalis na ang bus pero hindi na talaga dumating si Lauren.
Nag-antay pa din ng kalahating minuto si Carlaisle, subalit ni anino ng katagpo ay hindi na nagpakita.
Sobra na din ang pag-aalala niya dahil sa nangyari. Halos malapit ng kumirot na ang ulo niya kakaisip sa kung ano na ang nangayari.
Nagsimula na siyang maglakad papunta kina Lauren at sa malayo ay nakita na niya na madaming tao sa labas ng bahay ng minamahal niya.
Nagmamadali siya sa paglapit.
Napatakbo na sya sa pagmamadali, kung gaano kabilis ang kanyang paa na tumapak sa lupa, ganon din kabilis ang pintig ng kanyang puso.
Pagdating niya sa tapat ng bahay, sinalubong siya ng mga magulang ni Lauren at luhaan.
Lumapit sila dito at sinabing hindi na kinaya ni Lauren at bumigay na ang katawan nito sa sakit. Malaki ang pagkakagulat ni Carlaisle dahil walang nababangit na kahit ano man si Lauren na patungkol sa sakit nito.
Kasabay ng pagkakasabi sa kanya ng balitang dudurog sa puso niya. Nagpasalamat ang mga magulang ni Lauren sa kanya. Napansin ng mga magulang ni Lauren ang pagbabago ng kanilang anak simula ng dumating si Carlaisle sa buhay nito. Hindi na siya masyadong malungkot at nagbababad sa pag-aaral at nagsimula na itong magsaya at tumawa. Nakuha na din tanggapin ng kanyang mga magulang ang simpleng kaligayahan ng kanilang anak, kahit alam nilang hindi ito kakaiba at hindi kumbensyunal para sa nakakarami.
Alam na din ng magulang ni Lauren na hindi na magtatagal ang buhay ng kanilang anak dahil nasabi na ito ng kanyang doktor. Itinago nila ang nakakapanlumong katotohanan sa kanilang anak at naging kapalit nito ay ang kalayaan sa kung ano man ang gustuhing gawin ng kaisaisa nilang mahal sa buhay.
Ang tanging alam lang ni Lauren ay malubha ang kanyang kalagayan at kahit anong oras ay maari siyang magkasakit muli at maospital.
Walang kamalay-malay si Lauren sa kalagayan niya. At mas lalong walang alam si Carlaisle na natulala pa din sa mga kaganapan.
Andoon si Carlaisle sa burol ni Lauren.
Magisang nakatayo sa tapat ng minamahal. Halos hindi niya matigil ang luha sa kanyang mga mata at maraming ng tao ang nakatingin sa kanya at nagtataka.
Madami na ang nagtatanong kung kaano-ano ba ni Lauren si Carlaisle at sobra ang pagtangis nito sa pagkawala ni Lauren.
Lumapit ang mga magulang ni Lauren sa kanya at ibinigay ang mga luma at personal na gamit ni Lauren sa kanya.
Nakasilid sa isang kahon ang mga notebook at ilang mga litrato nilang dalawa.
Napag-alaman din nila na nagbigay si Carlaisle ng pulseras sa kanilang anak dahil nakaukit dito ang pangalan nilang dalawa at nakalagay din ito sa loob ng kahon.
Madaming ala-ala ang nasa loob ng kahong iyon. Nasa loob ng kahon ang mga litrato nila noong masaya sila.
Sa loob ni Carlaisle, tapos na iyon. Natuldukan na ang kasiyahang nararamdaman niya tuwing magkasama sila ni Lauren. Hindi na niya muling maibabalik ang kaligayang ito maliban sa ala-ala.
“Paalam sayo Lauren Joseph, Mahal pa din kita” Ang naghuhumiyaw na sigaw ng utak Carlaisle.
Wakas…