Sunday, May 6, 2012

Gusto mo ba talaga siya, o gusto mo lang ba ang IDEYANG nandiyan siya


~Gwyneth. "Zsazsa Zaturnnah sa kalakhang Maynila".
Malamang sa alamang na hindi nyo ito natatanong sa sarili ninyo kapag andun na kayo sa estado na tinatawag na pag-ibig. Madami kasi ang nag-aakala na kapag umibig ka, gusto mo na talaga siya, nawawalan na ng puwang para sa ibang mga dahilan.

Naalala ko, meron akong isang kaibigan na nasabihan ko ng halos katulad na kataga sa itaas. Dahil nga may gusto pa din siya sa high school friend niya nasa esteyt na ngayon. Biruin mo yung. High School pa? ohemji, kalurqui si ate. e halos isang dekada na ang dumaan. Andun pa din yung sinasabi niyang love?

Hindi ko alam sa kanya pero para base sa nararamdaman ko, nagbabago kasabay ng panahon ang pag-ibig na nararamdaman mo sa isang tao. Andyan kasi yung elemento ng panahon at distansya. Madaming maaring mangyari na makakapagpabago sa sarili mo. Maganda man ito o pangit ang manipestasyon nito sayo.

Sa isang pag-uusap namin dati, natanong ko siya. Baka naman hindi na niya talaga mahal ang taong ito at nagkakagusto nalang siya sa ideyang gusto niya itong makasama. Nasa malayong lugar na kasi nakatira yun at malayong bumalik pa dito sa felefens. Pero bigo ako, hindi pa din maalis sa isipan niya yung lalaki.

Sa patuloy niyang pagmamahal dun sa taong iyon, sarili lang naman niya ang nasasaktan. Nakakaawang isipin na patuloy lang siyang magmamahal at wala man lang pagmamahal na isusukli sa kanya. Hindi din naman kasi alam ng lalaking iyon ang nararamdaman niya.

Sinabihan ko na din siyang maghanap ng iba para malimutan niya ang taong iyon pero hindi pa din epektib ate charo. Patuloy pa din siya. Sayang effort.

Ngayon parang gusto ko ulit na tanungin siya. Gusto mo ba talaga siya o gusto mo lang ba ang ideyang andyan siya sa isip at puso mo?

No comments:

Post a Comment