Sa mga palabas, hindi mawawala yung mga romantic scene ng bida. Hindi yung erotic scene na panigurado na naglalaro sa isipan mo, ito yung loving con kilig moment scence nila na mahihiya ang diabetic na ngumunguya ng asukal coated candy habang naliligo sa arnibal sa sobrang katamisan. Hindi nawawala yan. Sa mga ganitong scene ka napapahampas o napapakurot sa katabi mo para ilabas ang kaharutang nararamdaman mo. Naalala mo?
Di ba palagi namang parang nawawala ang mga tao sa paligid ng bida at love interest niya sa tuwing ganitong eksena. Tuloy pa din sila sa pagho-holding hands, kuskusan ng tigyawating ilong, smack sa oily na noo at kurutan sa bilbil at side fats. Wapakels sila kahit maraming tao ang nagdaraan sa gilid nila. Kahit pa nasa gilid na sila ng highway o gitna ng matrapik na kalye. Hindi nila inaalintana ang mga taong single sa paligid nila na nanggagalaite sa inggit at galit sa mga pinaggagagawa nilang pwede namang gawin sa mga private places na ginagamitan ng discount card. Mga walang puso’t manhid. Hmp.
Sa mga ganitong pagkakataon, hindi naman siguro paghanga lang ang nararamdaman ng mga bystander na binayaran ng tig-500 para maging extra sa mga loving con kilig moments scene na ganito, kasabay na din dun yung inggit. Sino ba naman ang hindi mag-iilusyon na sana kahit one in their entire life e mangyari din sa kanila ang ganitong scene. Bonus nalang kung maido-document pa gamit ang camera o video. O ako lang talaga ang nangangarap ng ganon? I think not.
Pero hindi naman lahat ng tao ay parang bida sa isang sikat na pelikula na umaabot pa sa part three ang kwento. Karamihan sa atin ay kasama doon sa bystander na binabayaran ng 500 para kunwari (kahit sa totoong buhay ay totoo) namamangha sa loving con kilig moments ng bida at love interest nya.
At pagkatapos ng loving con kilig moments ng bida ano na?
Patuloy ang buhay, maglalakad ulit sila papalabas ng frame ng camera at maghahanap ng sariling buhay dala ang pag-asang sana dumating din ang panahon na dumating din sila sa puntong sila naman ang bida ng loving con kilig moments ng buhay nila.
Yung iba, tinanggap nalang na hindi para sa kanila yung ganong eksena sa buhay nila. Ouch.




Hahaha..natawa ako sa pamagat..hangdumi ng isip ko...hahaha..
ReplyDeletePero sadyang "life is unfair"? ba hahahaha..Ang masasabi ko lang is we each have our own film to make, our life is a film being directed by the one who created us. It's up to us how are we gonna act and react to every scene we encounter. Hanglalim ba? pang di ko naman na gets ang sinabi ko wahahaha..
Naarok ko naman ang ocean deep na gusto mong sabihin. May punto ka dun. Pero siguro time will come for us all pero tiis tiis muna sa pila, baka iniisa isa lang tayo ng direktor ng pelikula ng buhay natin. Over populated na daw kasi ang mundo e. Haha
Delete