Sabi nga nila na bunga ng pag-ibig ang isang bata. Minsan kasi, inaakala ng karamihan na magtatagal ang kanilang samahan pero kapag dumarating na sa puntong sinusubok na ng panahon ang kanilang samahan, isa sa kanila ang nabitiw at tuluyang nagpapalit ng landas na gustong tahakin.
Yung iba naman ay sira na talaga sa simula pa lang. Hindi na iniiisip ang magiging kahihinatnan kung patuloy pa din kakapit sa maling relasyong nabuo nila na maaring nagugat sa pagtataksil o panloloko. At katulad din ng naunang relasyon, magtatagal at maghihiwalay. Masakit man at nakakalungkot pakinggan pero ayun ang katotohanan ng buhay.
Nanay, Tatay at Anak. Tipikal na pamilya na matatawag.
May mga pamilyang buo pero pasakit naman sa loob. Mga Anak na galit sa Nanay nila, Nanay na galit sa Padre de Pamilya at Tatay na hindi buo ang pagmamahal sa Asawa't anak niya. Paikot ikot na siklo ng galit sa bawat miyembro ng pamilya, at mga iba't ibang dahilan kung saan nag-uugat ang pagkagalit na ito.
Buo man na matatawag, wasak naman sa loob.
Nanay, Tatay at Anak. Tipikal na pamilya na matatawag.
Pinakamaliit na pangkat sa lipunan. Dito dapat nagsisimula ang pag-ibig at karunungan. Kung saan nagmumula ang pinaka-importanteng tao sa lipunan.
Ikaw.
Tayo.




No comments:
Post a Comment