Arkk..Mahinang maririnig na langitngit sa paligid.
Buti nalang may kahinaan ang tunog at hindi ganoon dinig ng mga kasamahan niya sa paligid.
Arkk..Tumunog ulit.
Napalingon siya sa kaliwa. At sa kanan. Bahagyang siyang napayuko at naglaro ng kaunting hibla ng buhok.
Lamlam na ang mga mata niya at tuyong tuyo ang labi. Kanina pa siya napapalunok at walang imik. Kahit na buntong hininga ay hindi na niya magawa.
Ibinaling ang kanyang mga mata sa relong nakasabit sa dingding. At balik tingin sa ginagawa.
Arkk…Ayaw na talagang mag-paawat. Hindi na niya kaya.
Sana lang ay gumalaw ng mabilis ang takbo ng oras. Ilang minuto nalang at lunch break na.




No comments:
Post a Comment