Friday, December 14, 2012


Ang saya ko kaya? Tignan mo oh? Nakangiti nga ako palagi eh, daig ko pa si Totoy Bibo sa galing kong sumayaw at galing kong gumalaw. Halos labas nga ang gums ko sa tuwing makikita mo ako dahil ang saya ko nga di ba? Puro kalokohan ang laman ng utak at kakulitan. In-short, masaya. Ang saya saya noh?
Walang patid ang kakulitan na parang hindi nauubos na stock sa katawan at walang humpay na kalokohan na dagsa ng dagsa na parang rumaragasang agos ng tubig kanal. Ganyan. Ganyan kasi ako palagi. Masaya at parang walang puwang ang lungkot sa diksunaryo ng buhay ko. Bawal ang salitang yan. Banned siya sa sistema ng buhay, No gate pass.
Ang saya ko kaya kahit na alam kong hindi naman para sa akin ang gusto ko. Nakangiti pa din ako sa tuwing maiisip na ay hindi nga pala pwede at lilingon nalang sa kaliwang side kung sa kanan ako nakatingin o sa kanang side kung sa kaliwa ako nakatingin. Titingin sa taas na hinahanap yung butiki na pinagkopyahan ng titser ko dati para sa grade ko at biglang tatawa sa pagtanggap na hindi nga pala talaga pwede yung gusto kong mangyari. Babalik na naman sa pangungulit at hindi nalang iindahin ang sakit na parte ng pagtanggap at muling tatawa sa hindi maipaliwanag na estado ng buhay sa mundo.
Sanayan lang naman yan. Idaan sa tawa ang lahat. Wala naman din magagawa kung hindi talaga kayang ibigay ang lubos na hinahangad. Kung magmumukmok ay mas lalong nakakatawa dahil hindi bagay at panget tingnan ang itsura. Kaya tawa lang. Hahaha.

No comments:

Post a Comment