Monday, June 25, 2012

meganon talaga


Noong isang araw noong hindi pa masyadong maganda ang pakiramadam ko, nagtingin ako ng mga job openings para sa aking near future dahil malapit na yun.
Saan nga ba pupunta ang madlang people kundi sa mga sikat na sites na katulad ng ***, syempre alam nyo na yun, hindi ko na sasabihin pa baka kasi magalit sila, afraid.! Kaya ayun hanap hanap lang ng pwede sa akin. Parang nagsha-shopping lang ng mga applicable sa mumunti kong kakayahan. Chos!
At may isang job posting na talagang napukaw ang aking atensyon.
Ok naman yung titulo ng trabaho, nakakasosyal. Pero yung qualification nya… parang unfair lang.
Bago ka kasi makapag-apply sa posisyon na yun, dapat graduate ka sa ****. WTF! Ganon!?
Ano yan, lokohan? nag job posting pa sila kung taga-**** lang naman pala ang tatanggapin nila. Spell discrimination.
Ayan ang mahirap sa mga kumpanya e, porke sa **** nagtapos yung isang tao, nakikita na agad nila na magaling yun. Pwede naman magbigay puwang sa pagdududa di ba? Anyare?
Marami namang tao ang magaling kahit hindi sila graduate ng **** ha? Saka depende pa din naman sa taong kukunin nila kung magaling nga ito o hindi. Isang bagay lang ang lugar kung saan nagtapos ang isang tao pero hindi iyon ang kabuuhan na magaling nga siya.
Parang nanlumo ako sa ipinakitang discrimination ng post. Akala ko ba pantay pantay ang lahat? Anyare dun?
Ah ewan, goodluck nalang sa kumpanyang yun. Sana lang magaling ang recruitment nila at hindi sila makakuha ng taong graduate nga ng **** pero hindi naman deserving sa posisyon.

Saturday, June 23, 2012

magkaiba talaga sila


image
Nakita ko lang sa FB. Obvious naman siguro dahil sa katagang “If you agree please SHARE this” sa ilalim nito di ba? Pero pwede din naman i-share yan dito sa Tumblr. Chos!
Natatakot lang akong magcomment at i-Share yan sa FB dahil baka may ma-Mema pa ang ibang mga friends ko, iwas paparazzi lang. Kaya dito nalang ako mag-iingay. Haha!
Mabalik na nga sa picture above. Ang laki talaga ng kaibahan ng isang boss at leader. Siguro iniisip ng karamihan, iisa lang yun pero hindi. Pwedeng maging isang leader ang boss pero ang boss minsan hindi nagiging isang leader. Gulo no? Pero basahin mo lang ng mabagal, makukuha mo din ang gustong kong sabihin.
Kung mapapansin kasi mas-Negative ang mga nasa side ng pagiging isang boss. Parang mas wala silang puso kaysa sa isang leader. Kaya siguro maraming mga empleyado ang stress kapag nauwi sila sa bahay dahil sa bossnila. Pero kung isang totoong leader ang boss nila, siguro may ngiti sa mga labi nila kapag nauwi sa kani-kanilang tahanan.
Mahirap nga lang makahanap ng taong may leadership potential para maging isang boss. Kasama na sila sa listahan ng endangered species sa mundo. Kaya kung sakali man meron kayong kilala na totoong leader sa totoong buhay, itago nyo na yan sa baul. Kung pwedeng i-preserve e gawin nyo na. Mahirap na makahanap nyan ngayon.
Lahat naman ng tao pwedeng maging boss pero nakakalimutan maging isang tunay na leader. Iba kasi ang attitude ng isang tunay na leader. Tama Ate Charo, nasa attitude yan. Kasama na din siguro sa kung paano pinalaki ang isang tao pero malay naman natin baka innate na sa kanila yun.
Ah basta magkaiba talaga sila.

Friday, June 22, 2012

sublimation


Kinuha niyang muli ang walis at muling pinasadahan ang buong kwarto. Sinuyod niya ang lahat ng sulok at itinaas muli ang mga kagamitan para malinis din ang bawat ilalim nito.
Pawis at pagod muli ang bumalot sa kanya sa isang oras niyang paglilinis. Anim na oras pa lang ang nakakalipas noong naglinis siya ng kwarto ngunit inulit ulit niya ito.
Wala naman siyang sakit na OCD ayon sa kanyang mga clinical records pero talagang malinis lang siya sa kwarto niya. Ito lang ang kanyang nagigig pampalipas oras sa tuwing wala siyang pasok. Maglinis ng kwarto.
Kaaarawan niya sa susunod na linggo at talagang lagpaslagpas na siya sa kalendaryo. Natapos na din niyang imbitahin ang kanyang mga kaibigan at ka-opisina. May mangilanngilan na hindi makakapunta dahil busy sa kani-kanilang mga pamilya pero naiintindihan naman niya yon.
Patuloy siyang naglinis. Gusto niyang mas doblehin pa ang linis ng kwarto niya kapag dumating ang kanyang mga bisita sa susunod na linggo.
Natapos na siya sa sahig at ngayon naman ay naglilinis na siya ng bintana. Mas mahirap kasing linisin ang jalousie kaya’t hinuhuli niya ito. Madalas nagkakasugat ang mga kamay niya sa tuwing ito na ang kanyang linilinis.
Napatigil siya sandali. Napayuko at tumigil sa paglilinis.
Nasa labas at naglalaro ng basketball ang iisang taong laman ng puso niya sa loob ng sampung taon.

Monday, June 18, 2012

BFF


“Ma kaibigan ko po.” Pagpapakilala niya sa kasama.
Pawisan silang pumasok sa kanyang tahanan. Hingal pa magsalita kung tutuusin at hapong hapo larong kanina lang ay nagbigay sa kanilang dalawa ng tawanan at harutan.
“Kamusta ka naman Iho? Panalo ba kayo sa laro? Ayan kumain na kayo pagtapos ninyong mabighis.” Paaalala ng kanyang Nanay sa kanilang dalawa. “Magpunas na kayo ng pawis at matutuyuan kayong dalawa nya at baka magkasakit pa kayo.”
Parang anak na din niya ang kaibigan ng anak. Matagal na niyang kakilala ito dahil mula kolehiyo palang ay nagpupunta na ito sa kanila.
Pamilyar na ang kanyang magulang sa itsura ng kaibigan kahit minsan lang ito magpunta sa kanila.
Pumasok na ang dalawa sa kwarto. Kinadado ang pinto at nagsimula ng magbihis.
“Ok na ok sayo si Mama ha?” Kutya niya sa kaibigan.
“Sira ka talaga? Kaibigan talaga ha?” Panlolokong tugon sa kanya.

Sunday, June 17, 2012


Hanggang saan ang kaya mong ibigay para lang sa isang bagay? Yung bagay na halos lahat ay kaya mong isakripisyo para lang doon? Yung ganong katinding bagay.
Madami kasi sa atin ngayon ang naghahangad ng mga bagay bagay. Mapamateryal man ito o hindi. Kaso sa ngayon, mas marami ang mga materyal na bagay ang lulabas na parang ang sakit lang sa kalooban kapag hindi mo napasakamay o makatikim man lang kahit pa-experience lang. Haha.
Yung panahon kasi ngayon e puro gadgets na. Sige kahit saan ka malingat e may iPad o Andriod phones ang mga tao. Hindi na uso ang mga de-pindot na halos magpawis ka na dahil sa effort ng daliri mo. Wa ng ganon ate charo. Ang sosyal kaya ng capacitive touch ng iPhone at HTC? Hindi ka na talaga magpapawis at mangangalay. Tapos ang dami pang games na kahit malate ang mga kasamahan mo sa takdang oras ng kitaan nyo ay deadma lang. Magsayang ka lang ng battery tas ok na.
Hanggang saan ang kaya mong ibigay para lang makamit ang mga ganitong materyal na bagay? Hanggang saan ang pagtitiis mo para lang makamit ang mga ganitong kamamahal na gamit?
Kung mapapansin, ang mga snatcher at holduper ay ayan lang ang habol. Hindi naman kasi ikaw yung habol nila, yung pera at mga gamit mo. Wapakels sila sayo. Haha. 
Materyal na bagay lang yun. E kung maghanap ka nalang ng  hindi materyal na bagay? 

Saturday, June 16, 2012

love... love has come MY way... Everything is gonna be OK


Dumarating daw ang pag-ibig kapag ikaw mismo sa sarili mo ay may pag-ibig at hindi yung hahanapin mo pa ito sa ibang tao.
Ansabe.?! Ganyan ang narinig ko sa isang bonggang bonggang podcast dyan sa internet world. May punto nga naman siya.
Dapat kumpleto ka deep within yourself at hindi yung tipong hahanapin mo ang kakulangan mo sa ibang tao. Bad yun. Chos! Mas maganda na meron kang sapat na pagmamahal sa sarili mo na maari mong ibigay sa ibang tao. Wag kang parasite. Haha
Tama nga siguro yung kasabihang mahalin muna ang sarili bago magmahal ng ibang tao? Kasi kung uunahin mo ang iba, paano ka? Sino nalang ang magmamahal sa iyo kapag nawala ng yung taong pinakamamahal mo? Sadness…
Kaya bago ang lahat. Mahalin muna ang sarili.
Madaling sabihin minsan yan pero mahirap gawin. Kasi ang minsan sa sobrang pagmamahal sa ibang tao, nakakalimutan na ang sarili. Naalala mo pa ba kapag nilololo ka na at sasagutin mong gagawin mo ang lahat para lang sa kanya? Parang ganon. Nakakalimutan mong isama ang sarili mo sa picture. Puro siya lang.
E kasi inlababo ka eh. Kahit masaktan ka ok lang. Para lang mapasayo yung taong gusto mo. Pero kung ganon nga ang siste, mahal mo pa ba ang sarili mo nun? Parang hindi naman.
Hindi naman sa pagiging narcissistic, tama lang na pangalagaan mo ang sarili mo dahil ikaw lang ang makakapagbigay ng pagmamahal higit kanino pa man. Inchendes?!
Nuf said, basta. Masarap magmahal pero simulan mahalin ang sarili palabas. Paputa sa ibang tao. At sure ball na babanda yan pabalik sayo.!

Friday, June 15, 2012

kahirapan


Maaga siyang gumising.
Halos kasabay niya sa pagbangon ang tilaok ng manok sa umaga. Naglinis siya ng bahay na hindi na niya nagawa kagabi dahil sa halos hatinggabi na siya nakauwi galing trabaho.
Kape lang ang laman ng tiyan niya at umalis na din siya sa kanilang bahay.
Siya lang mag-isa ang nakatira dito kaya palaging nakakandado ang pintuan sa tuwing siya ay papasok.
Maaga siyang nakarating sa trabaho. Hingal na hingal na siya dahil sa araw araw na paglalakad. Hinahabol din niyang huwag maabutan ng tindi ng araw sa umaga para kahit papaano ay hindi siya magmukhang basang sisiw pagdating sa opisina.
Nayaya na para kumain ng pananghalian ang kanyang mga kasamahan at siya ay tumungo na sa labas para bumili ng makakain. Sa loob ng convenience store ay kumuha siya ng isang biskwit at nagmamadaling bumalik na sa opisina.
Pagbalik niya sa kanyang bahay. Nagsimula na siyang ayusin ang kanyang higaan. Nagayos na unan at kumot.
Kinuha ang isang gamot sa kabinet at ito ay ininom.
Humiga na siya sa kama at tuluyan nang humimbing ng panghabangbuhay.

Thursday, June 14, 2012

patawad


“Kanina pa siya nagkukulong sa kwarto. Ano ba ang nangyari sa inyo? “
Pagtatanong sa kanya ng magulang ng kanyang nobya.
Umalis sila kaninang umaga para magdate. Pero maagang umuwi ang kanyang nobya sa kanilang bahay na wala siya sa tabi. Nagkaroon sila ng alitan habang sila ay kumakain sa paborito nilang restaurant.
“Ano bang ginawa ninyong dawala? Ha?” Medyo mainit na ang ulo ng magulang ng kanyang nobya habang patuloy ang pagkatok niya sa pintuan.
“Tungkol lang po sa aming dalawa yun Tita. Siguro hindi lang niya ako maintindihan kaya andito po ako para magpaliwanag.” Tugon niya habang patuloy sa pagkatok sa kwarto ng nobya.
“Naku itigil mo yan. Ipagpabukas mo nalang ang pakikipag-ayos dyan dahil hindi yan magbubukas ng pinto. Hayaan mo muna siyang mapag-isa.” Payo sa kanya ng kapatid ng nobya.
Hindi niya naipalawanag ng husto ang kangyang kasalanan kung kaya idinaan niya sa sulat ang kanyang pagpapatawad at isiningit sa ilalim ng pinto ng nobya.
Sa loob ng kwarto.
Nakahiga ang kanyang nobya sa kanyang kama habang binabasa ang sulat niya.
Bhe, sorry na… Hindi ko naman talaga dapat papaabutin pa sa ganito ang lahat… Gusto ko na talagang sabihin ang totoo noon pa man pero nawawalan ako ng lakas ng loob para sa sabihin sayo dahil sa sobrang bait mo. Sana lang mapatawad mo ko… Minahal din kita kagaya ng pagmamahal ko sa kanya.

Tuesday, June 12, 2012

mahal din kita


Sa Phone:
Girl: Saan ka ba? ang hina yata ang signal mo at hindi kita masyadong marinig.
Boy: Dito lang sa bahay, may natutulog na kasi kaya bawal ang malakas ang boses. Anong oras ka matutulog?
Girl: Maya maya pagtapos natin mag-usap. Matulog ka na din ha?
Boy: Oo naman, susunduin pa kita bukas e. Same place ulit ha?
Girl: Sige, o mukhang gabi na masyado, maaga pa ang pasok ko bukas. Tulog na ko.
Boy: Sige, good night Hon.! Love you!
Girl: Love you too! Night.
Sabay na din silang magbaba ng telepono.
Ang sarap ng pagkakahiga ng binata sa kanyang kama ng pumasok na anino at pintay ang ilaw.
“Bhe sinong kausap mo kanina? Bakit ang hina na boses mo?” Tanong ng kasama. Sabay tabi sa kanya sa kama at yumakap.
“Wala yung Bhe, kaibigan ko lang yun.” Pagpapaliwanag niya. “Matulog na nga lang tayo Mr. Carlos at maaga pa kitang ihahatid bukas.” Sabay halik niya sa katabi.

ano na weather?


Ano ba namang panahon ito. Aaraw tas uulan. Tapos Aaraw lang, tas Uulan lang. Tas minsan pa Combo, Umaaraw na umuulan o Umuulan na umaaraw. AnoBaTalaga!?
Hindi ko tuloy alam kung ano ba talaga ang weather ngayon. Binuksan ko ang24 hour pagasa forecast pero mukha namang clear ang kaulapan. Hai, nakakaprning lang talaga ang weather.
Sana kung uulan, ulan lang talaga. Yung ulan na walang humpay. Pero ayaw ko naman nun kasi afraid. Baka maging isang malaking karagatan na naman ang ibang parte ng manila. At kung aaraw, aaraw lang. Wag na yung ko-combo pa na araw at ulan. Sabi nila kapag ganoon daw ay may kinakasal na tikbalang pero I doubt meron kasi sino ba namang ikakasal na gustong umulan sa wedding day nila di ba? Bad trip yun ‘teh.!
Teka ano nga ba ngayon? Independence day! Shockness. Inulan ang araw ng kalayaan. Ano nga bang ibig sabihin nun?
Sabi ng iba blessing daw yun kapag inulan sa birthday mo. Ganoon din ba kapag ngayong Independence day? O nakikisama ang panahon sa pag-iyak dahil hindi naman talaga tayo ganoon kalaya?
Ansabe?
Ganito po iyon Ate Charo, hindi po ba madami po ang nagtangkang sakupin ang perlas ng silanganan at dahil sa maraming foreigner na nagpunta dito ay marami na ding mga kultura ang naipasa sa atin. At magpahanggang ngayon ito pa din ang kulturang kinahuhumalingan ng ibang mga tao. Kaya nga po ang daming whitening products ngayon eh.
Pero ano pa nga ba ang magagawa natin. Parte ng history ng felefens yan, hindi na yan mababago. Hindi ko naman kayang magkaroon ng powers at biglang sumigaw ng… Time Space Warp! Ngayon din!.
Siguro ang pagbabago ay magsisimula sa mga taong gusto din ng pagbabago. E parang sa nakikita ko ngayon e parang walang may gusto noon. Tama na yan, dyan na tayo nasanay e.
Ayan naulan na naman kani-kanina lang umaraw ng wagas. Pabagobago ng isip ‘tong panahon. Parang mga senador na biglang nagpapalit ng party list.

munting anghel


“Lika na sama ka na dun sa amin, mas masaya kaya doon!” Pagyayaya ng kanyang kaibigan.
Silang dalawa lang sa kwarto at kanina pa naglalaro. Hinayaan muna siyang pumirmi sa bahay dahil meron siyang sakit at bawal sa kanya ang masyadong magpagod.
“Baka pagalitan ako ni Mommy!” tugon niya sa kaibigan.
Takot na siyang mapagalitan ng kanyang Mommy dahil sa tuwing makikita siya ng kanyang Mommy na nasasaktan ay nakikita nalang niya itong biglang naluluha.
“Ok lang naman yun sa Mommy mo, alam na niya yun, naapag-paalam na kita kanina.” Pamimilit ng kaibigan.
“Ganoon ba? Sige sandali lang, ililigpit ko lang ‘tong laruan natin tas alis na tayo. Hindi pa ba ako kailangan magpaalam kay Mommy? Baka mapagalitan ako e?” Tanong ulit niya.
“Kahit hindi na, alam na niya.” Huling tugon ng kaibigan.
Tumahimik ang kwarto. Maayos na ang mga laruan sa lalagyanan.
Mayamaya ay pumasok na ang kanyang Mommy.
Nabasag ang katahimikan dala ng paghagulgol ng kanyang Mommy.
Sa kama ay nandoon ang katawan niyang wala ng buhay.

Sunday, June 10, 2012

huling paglalakbay


Pahabol na Summer Escapade ang ginawa nila. Hinabol talaga nila ang lakad na ito kahit na nagsimula nang tag-ulan. Ok naman daw dahil hindi na ganoon ka-traffic at wala na silang kasama sa pupuntahan nilang lugar.
Dalawa sa kanila ay lalaki at isa ang babae. Ganon kasi silang Tatlo, mahilig sa pahabol na trip.
Tago ang Falls na pinuntahan nila. Nilakad nalang nila ang papaakyat dala ang mga mabibigat nilang mga gamit. Madami silang mga nakasalubong na may mga kakaibang kwento sa kanila.
Marami daw mga kakaibang nilalang ang nakikitang paligidligid sa lugar. Hindi sila nagpadala sa mga sabi sabing ito kaya’t itinuloy pa din nila ang kanilang pakay.
Sa gitna ng paglalaro ng dawalang binata sa tabi ng ilog. May nakita silang magandang babae na naglalakad. Napukaw talaga ang dilag ang dalawang binata sa sobrang ganda nito ng hindi nila mamalayan na naglalakad pala ito sa ibabaw ng tubig.
Takbo!
Walang nagawa ang dalawa at nagkandarapa na makakababa at pumunta sa sasakyan nila.
Sa loob ay nagaantay nang nakaupo ang kanilang kaibigang babae. Namumutla at walang imik.
Pinagana na nila ang makina. Umalis ng may dalang takot sa dibdib.
Samantala sa tabi ng ilog ay nagkalat ang kanilang mga gamit. At ang kanilang kaibigang babaeng nakahigang lumulutang sa tubig na wala ng buhay.

Friday, June 8, 2012

papalapit na oras


Hindi ko kayang magsinungaling sa sarili ko. Natatakot ako pero dapat hanapin ang kaunting lakas sa loob ko para matapos ang lahat ng ito. Sarili ko lang din naman ang kalaban ko dito.
Kanina ko pa gustong sumuko at sabihing ayaw ko na pero sino ba ang mahihirapan sa huli? Ako din naman. Ayan lang ang tanging pinaghuhugutan ko ng lakas ng loob.
Masarap sana kung meron din ibang taong magbibigay ng karagdagang lakas ng loob sa tabi ko ngayon pero ano pa nga ba ang magagawa ko? Ganito talaga ang buhay.
May katagalan na din akong naghihintay dito at parang sa bawat ikot ng orasan na kanina ko pa din tinitignan ay nanghihina ako. Nanlulumo. Nanghihina. Parang nai-excite na natatakot. Pero ang nananaig ay takot.
Habang tumatagal ang pagaantay ay siya din namang paglabas ng malalamig na pawis na produkto ng takot at kaba. Ayaw ko na pero naiisip ko na naman ang bukas. Iniisip ko nalang ang magiging kahihinatnan ng gagawin kong pagsuko ngayon.
Isang sakit nalang tapos ayun na ang huli. Bahala na mamaya.

Thursday, June 7, 2012

bata... bata... bakit ka naging masama?


Ang dami ng halang ang kaluluwa ngayon sa paligidligid kasama ng mga linga. Panigurado naman na hindi na lingid sayo yan dahil kapag nanunuod ka ng balita sa hapon e naguumapaw talaga ang krimen sa kahit anong sulok ng earth.
Ok fine. Sabihin na natin na parte na talaga ng mundo ang mga masasamang tao. Pero susme kapag sinabi kasing masasamang tao, palaging maiisip lang natin yun mga goons na nambubugbog ng bida sa pelikula. Sila yung mga naka-leather na jacket sa tanghaling tapat at tadtad ng facial hairs. Pero dahil nga madami na ang nagbago dahil nabubuhay na tayo sa makabagong milenyo. Ang mga masasamang tao, laruan na din ang hawak.
Opo Ate Charo, mga bata na po ngayon ang mga masasamang loob. Ano yan? Genetically Engineered ba sila na lumabas ngayon makabagong milenyo? Hindi ko din alam ang kasagutan Ate Charo pero ayun po ang napapansin ko. Minsan pa nga mas bata pa, edad pitong taong gulang. How sad.
Kung iisipin naman kasi, parang hindi pa makakaya ng isang bata ang gumawa ng masama. Kaya hindi tayo nagawa ng isang magandang batas kung saan matutugunan ang mga ganitong problema. 
Akala natin wala silang alam sa kasamaan. Akala mo lang wala. Pero meron… meron… meron… Nagkamali tayong lahat dun… Kaya na nila! At nakakalusot pa sila dito. Ansabe ng piyansa?
Siguro nasobrahan ng preservatives yung mga nakakain ng mga batang yun kaya kung ano ano nalang ang naiisip at hindi na alam kung tama o mali na ba ang gagawin. At baka dala ng din ng pambili ng pagkaing mayaman sa preservatives kaya nakakagawa sila ng krimen. Hay buhay. Ang saklap.
Sana lang magawang ng paraan ng bawat magulang na mailayo ang kanilang mga anak sa paggawa ng masama. Sana lang din magabayan sila ng tama. E paano na sila magiging pag-asa ng bayan kung hindi naman sila maasahan.

Wednesday, June 6, 2012

ganito ang sumikat


“Oh ang ganda naman niyang damit mo ngayon? Personalized ba yan?” Tanong sa kanya ng kaibigan. Lumayo iyo sa nagkakagulong mga barkada nila sa gilid at hinaplos haplos ang suot ang damit.
“Ay Oo, pagawa ko ‘to. Sariling disenyo. Para iba sa karamihan.” Sagot niya.
Ayun talaga ang gusto niya. Ang mapaiba sa karamihan. Ang maging angat sa lahat, kahit kaibigan niya. Gusto kasi niyang sumikat at pangarap din niyang maging artista.
Suot niya ngayon ang kulay berdeng dress na may sulat sa likuran. Parang ginawang libro na maraming nakasulat na letra at titik. Ang palda naman ay parang ginawang freedom wall na may doodle. Kapansin pansin din ang malaking letter “M” sa parteng dibdib. Gawa sa see through na tela ang titik at kapansin pansin ang panloob ng magsusuot.
“Pagawa ko ‘to sa kaibigan kong designer. Sabi nga niya ako pa lang ata ang may lakas ng loob na magsuot nito dahil kaiba ang disenyo.” Pagmamayabang pa niya.
“Ahh ang galing mo naman friend! Ikaw na talaga.!” Papuri sa kanya ng kaibigan, sabay balik sa nagkakagulong mga kaibigan sa likod.
Lumapit siya at naki-usyoso sa kaganapan.
“Ano ba yan pinagkakaguluhan nyo dyan sa cellphone?” Tanong niya.
“Ahh bagong sex scandal. Lika panuorin mo kakasimula palang halos”
Sabay sabay silang manuod. Hubad na ang lalaki sa screen at lumabas ang babae sa isang kwarto. Kaparehong kapareho ang damit kagaya ng sa kanya.

Tuesday, June 5, 2012

bagong salta


Paikot ikot ang tingin niya sa mga naglalakihang gusali sa paligid. Yung parehong pakiramdam niya noong nawala siya sa gubat noong bata pa siya. Nagtataasan ang mga puno noon at hindi din niya matunton ang daan pauwi.
Iba nga lang ang sitwasyon niya ngayon dahil hindi na puno ang nagtataasan kundi mga building.
Mausok ang paligid. Sanhi ng mga nagdaraang mga bus at jeep na walang pakundangan kung makapagbuga ng usok sa kani-kanilang tambutso. Halos bumalot ang kadiliman sa lahat ng madaraanan ng mga sasakyan.
Sa gubat noong naligaw siya, puro huni ng ibon at mga naglalarong dahon lang sa hangin ang narinig niya. Payapa at di hamak na mas malayo sa dumi ng hangin na nasa harapan niya ngayon.
Naglalakad siya ngayon sa kawalan. Hindi alam ang gagawin.
Kanina pa siya pagod na pagod sa paglalakad pero hindi niya alam kung saan makakakuha ng makakain. Wala na siya sa gubat na mayaman sa iba’t ibang uri ng prutas na pwede lang pitasin at gawing laman tyan.
Sa isip niya.
“Sa simula lang ‘to makakaraos din”

try lang ng try


K12 o K-12, basta alam nyo na yang issue na yan ngayon, heksweli on going na yan ngayon. Pero andami dami pa din kontra bulate sa bagong sistema ng DepEd na yan. Ano na ayaw paawat?
Madami pa din akong napapanuod at nababasa na kontra sila sa K12. Kesyo daw dagdag pa sa gastos ang kindergarten at dagdag na 2 years sa high school. Ang daming drama ng mamamayang filipino ate charo, hindi po sila nagtigil talaga.
Kasi naman mandated by law na ang pagpasok ng isang bata sa kindergarten bago sila maging grade 1. At kapag natapos na sila ng anim na taon, papasok na sila as junior high school. Ang taray lang di ba? Nakakasosyal pakinggan na may junior at senior high school na ngayon? Ang alam ko meron naman talagang ganyan sa mga private schools dito sa perlas ng silanganan, yung mga super uber rich schools na can afford talaga. Pero ansabe kung pati public school eh may ganyan na. Sosyal.!
Ewan ko na naman kung bakit ang daming eklat ng madla sa K12. Ayaw ba nila ng change? Chos! Pero sa totoo lang, paano naman tayo aasenso kung pati yung pagbabago e hindi natin tatanggapin?
Saka ano nalang ang felefens kung hindi pa tayo makikisabay sa ibang bansa sa sistema ng edukasyon, e halos tatlong bansa nalang ang merong ten years education na ayaw ko na din sanang pansinin pero isa lang ang denominator—mahihirap. Kahiya!
E kung tutuusin hindi naman siguro sa kasamaan ang dahilan kung bakit gagawin nang K12 ang sistema ng edukasyon. Asan ang kaunting tiwala nating mga Filipino? Chos!
Hekswali, meron na ding nakapagchismis sa akin na hindi talaga nakakasabay ang mga bagong bayani na ang sandata ay luha sa ibang bansa. Kasi kahit professional sila dito sa perlas ng silanganan, hindi kinikilala ito ng ibang mga bansang K12 ang sistema ng edukasyon. E kasi kulang daw tayo ng taon inilaan natin sa pag-aaral. Sadness lang dahil kailangan pa mag-aral ulit.
Sana lang bigyan ng pagkakataon ang bagong sistema sa edukasyon. E para sa mga bagong henerasyon din naman ang epekto nito. Paano nalang ang mga pag-asa ng bayan, baka umasa nalang sila sa iba.

Monday, June 4, 2012

pagupit ng kahapon


“Naku kailan kaya siya babalik?”
Nasa isip niya. May katagalan na di noong huli silang magkita. Isang beses lang sa tatlong buwan kung magpakita yun. Pangatlong buwan na ngayon. Malapit na ang inaasahan niyang pagtatagpo nila.
“Sana makita ko na siya ulit”
Tuloy ang paglalaro ng isip niya sa muli nilang pagkikita. Naghanda na siya ng mga maari niyang sabihin kapag nagkita silang muli. Ano kaya ang maari niyang isuot para mas presentable siya kapag nagkaharap na silang dalawa.
Noong huling pagkikita kasi nila, mukhang malungkot lang ito at hindi gaano nagsasalita. May mga pansamantalang mga ngiti na makikita sa labi pero makalipas lang ng ilang minuto ay babalik sa pagtitig sa malayo at unti unting magiging lungkot.
May pagaaalala sa parte niya at gusto niya iyong mawakasan ngayong malapit na ulit silang magkita. Maglalakas loob na siyang magtanong kung ano o bakit ito naging malungkot.
Bumukas ang pintuan. Tumunog ang mga kalansing ng wind chime na nakasabit sa tuktok nito. Bumungad ang kaanyuan ng hihintay sa loob ng kwarto.
Nagising ang ulirat niya ng tawagin siya ng kasamahan.
“Oh itigil mo na pagtunganga dyan bakla. Andyan yung suki mo, dating gupit daw!”

Sunday, June 3, 2012

negosyante


Punyeta… makailan na naman kaya ako nito? Naulan pa man din. Matumal pa naman kapag ganitong panahon. Wala masyadong tao, minsan pa nga halos wala.
Kausap niya ang sarili habang papunta sa sakayan ng jeep.
Naku, paano yan kung walang tao. Walang benta. Walang kain. Nganga na naman bukas.
Patuloy ang pagsasalita ng kanyang isipan. Nakasakay na siya ngayon sa jeep katabi ang ang mga panindang gulay at isda. Punuan na ang mga jeep at handa nang mamahinga ang mga tindera sa kani-kanilang bahay.
Nakatingin lang siya sa labas ng jeep at tuloy pa din ang hiyaw ng kanyang isipan. Muntik na siyang lumagpas sa kanyang destinasyon pero salamat nalang at naalipungatan siya ng makita niya ang mga pulang ilaw sa tapat ng kanyang patutunguhan.
Suot ang napakaiksing palda at spagetti stap na blouse, sasabak na naman siya sa isang gabing puno ng kamunduhan.
Sana maraming tao, isang gabi na naman, makakaraos din yan.

tulong


“Ayan… ikaw yung prinsipe tapos ililigtas mo daw ako sa kastilyo.”
Tulala lang siya habang nakatingin sa kalaro.
“Oh bakit ayaw mo pang hawakan yan? Ikaw nga daw yan kunwari tapos sasakay ka dito sa kabayo para puntahan ako sa kastilyo.”
Iniabot sa kanya ng kalaro ang laruang kabayo. Tinanggap lang niya ito sa kaliwang kamay at dinampot naman sa kanan ang isa pang tau-tauhan.
Nakakatakot ang itsura nito. May kalawit ang kanang kamay ng laruan at balot ang buong katawan ng kulay itim na belo.
“Yan naman ay yung kakalabanin mo para mailigtas mo ako sa kastilyo… Galingan mo ha? Para matalo mo siya at mailigtas mo na ‘ko.”
Tinignan lang niya ang laruang nasa kamay niya kanan.
Napagisip.
Tumingin ulit sa kalaro at nagsabi. “Sige.”
Binuksan ng nanay niya ang kwarto at lumapit sa kanya.
“Andyan ka lang pala bata ka. Naglalaro ka na naman mag-isa dyan? Lika na sa lamesa at kakain na.”

kanta, kanta... sino ba talaga ang gumawa?


Uso ngayon ang revival. Pansin nyo ba? Ang daming mga kantang hindi mo na talaga alam kung sila talaga ang may compose dahil ipinapasikat ng ibang singer ang kanta ng iba. Ang gulo gulo lang ng mundo.
Siguro tama nga na wala ng maisip na kanta ang mga singers o kapos ang supply ng composers na kagaya ng sinabi ni tadongdaniel sa kanyang sulatin?
Bakit nga ba naman kasi hindi sumugal ang mga singer sa mga bagong tunog? Ayaw ba nilang mag move-on?
Pero siguro isang dahilan kung bakit nila niri-revive ang mga kanta dahil gusto lang nilang marinig ng makabagong henerasyon ang mga tunog ng nakaraan. Gusto nilang ipakilala ang mga magagandang kanta noong panahong pinaplano palang silang gawin o ginagawa palang o wala pa silang appreciation sa music.
Uso ngayon ang revival pero sana hindi maging dahilan ito para hindi gumawa ng mga bagong kanta. Sana lang huwag umasa sa ibang artista o composer na hirap na hirap gumawa tapos papasikatin nila at hindi man lang nakikilala ang totoong lumikha.
Pero ano naman ang magagawa natin di ba? Isa lang din naman ako sa mga nagbubukas ng radyo o telebisyon para makinig sa mga revival nila. Kaya minsan kapag nakakarinig ako ng mga kanta ngayon, iniisip ko kung sila ba talaga ang may gawa nang kanta o revive lang nila.

tiwala


“Akin na, ako nalang ang hahawak”
Pero mahigpit pa din ang pagkakahawak niya sa kanyang cellphone. Meron siyang tinitignang pantalon at akmang isusukat pero nagdalawang isip muna.
Napatigil.
Hinawakan ng sabay ang pantalong isinusuot at ang cellphone sa kamay.
“Hindi ko naman kaya titignan loob nyan?”
Hindi siya nakikinig. Tuloy pa din siyang magsukat ng pantalon kahit na hirap na hirap na siya.
Tatlo ang pantalong kanyang susukatin.
“Kung ayaw mong maniwala, di wag! Mahirapan ka dyan!”
Nakita niya ang pagpapalit ng mukha ng kasama mula sa simpleng ngiti papunta sa kaunting simangot at pagkabanas. Tahimik nalang ito. Hindi na din siya halos tignan habang nagsusukat ng pantalon.
“O ayan hawakan mo na.” Nakangiti nalang siyang ibinigay ang cellphone.