Saturday, May 26, 2012

Heto na.. Heto na.. AhHhHhh!


Ok na. Tapos na siyang kumain. Tatagal din ng apat na oras o higit pa ang kinain niya. Sobrang dami kasi noon kaysa sa normal niyang kinakain.
Dala na din ng pagkanerbyos at pananabik kaya nagkakaganoon siya. May halong kaba pero mas daig ng pananabik ang nasa puso niya.
Ngayon kasi ang unang pagkikita nila. Kadalasan lang na paguusap nila ay sa text at sa mga tawag sa telepono. Ngayon lang nila makikita ang kaanyuan ng bawat isa.
Tuwang tuwa pa siya dahil personal pa siya nitong pupuntahan sa bahay para sunduin.
Tumingin siya sa orasan. Labingtatlong minuto nalang bago ang takdang pagdating niya.
Bahagya na siya ng basa ng pawis sa noo kahit halos kakatapos palang niyang maligo. Buti nalang at may kakapalan ang damit niyang suot. Naghanda talaga siya para sa panahong ito at isinuot ang pinakamaganda niyang damit. Nagpabango at Naghilamos ng husto para lang maging kaaya-aya ang itura sa darating na bisita.
Limang minuto nalang at nanginginig na ang tuhod niya sa kakaantay sa kanyang sundo. Nananabik at kinikilig.
Isang minuto at… tumunog ang kanyang cellphone.
“Sori, kkgcng q plng.”

No comments:

Post a Comment