Sunday, December 2, 2012


Ano yung salitang gustong gusto ko and at the same time kinaiinisan ko. Anokasi yung salitang kayang magbigay ng diwa sa isang konsepto kahit hindi nasasabi ang eksaktong salita. Ano din ang salitang nagpapagulo ng diwa sa isang pangungusap kapag nasobrahan ng gamit. Ano kasi yung on-call sa isang salita na palaging nakatambay sa dulo ng dila natin sa tuwing nagmamadali tayong magsalita at hindi na-proseso ng utak natin ang tiyak na salita. Ano kasi di ba? Puro tayo ma-ano.
Aminin mo, palagi mo din nagagamit ang ano sa pang-araw araw mong gawain. Ano kasi ang bukambibig mo sa panahong nagmamadali ka at mas nauuna pang bumuka ang bibig mo sa mga salitang gusto mong sabihin.
Ang laking tulong ng ano. Nagkakaintindihan ang maraming tao kahit ano lang ang sasabihin sa kausap. Simple lang pero puno ng diwa ang nilalaman ng kapiranggot na salitang binitiwan sa kausap. Ayun ay kung nasa parehong linya sila ng pag-iisip. May mga panahon kasing ano din ang isasagot ng kausap kapag naligaw na ito sa kaka-ano. Nawala na siya sa konteksto ng mga salitang sinabi at mapapa-ano nalang ito. Hindi naman kasi tiyak at iba iba nga ang kahulugan ng mga ano sa isang salitang puro ano din ang laman. Nakakaligaw na parang masukal na kagubatan. Puro ano.
Ano kasi talaga yung gusto kong sabihin. Hay basta, ano-hin nyo nalang yung ina-ano ko dito.

No comments:

Post a Comment