Wednesday, November 7, 2012

happiness is in the eye of the beholder


Dumarating tayo sa point kung saan halos umusok ang ilong at tenga natin sa galit. Minsan hindi dahil sa galit, sa irita. O pagka-asar. O kung sa ano pa mang bagay na hindi magbibigay sa atin ng ngiti o kaligayahan. Dumating ka na ba sa puntong ‘yon o ako lang? Char.
Pakiramdam ko naman naabot mo na din ang hangganan ng kabaitan mo at papasok ka na sa level na ganoon kaya hindi na ako liligoyligoy pa na parang eskinitang paliko liko na iisa lang naman din ang kakahantungan mo at the end. Ano ba ang ginawa mo noong nausok na ang tenga at ilong mo?
Kapag sumuko na ang kabait mong manalaytay sa katawang lupa mo, anong sunod na nangyayari sayo? Nagiging super saiyan ka ba at tumataas bigla ang buhok mo… sa kilay? Lumalaki ka ba at nagiging green… ang utak mo? May transformation bang nagaganap sa iyo? Yung transformation mo ba ay parang production number na tatalunin pa ang pagpapalit anyo ng power ranger, shaider at sailor moon combined? Ano bang ritwal ang ginagawa mo sa pagpapalit anyo mo? May mga paraphernalia bang kailangan para simulan o mga requisite subjects pang pag-aralan at i-take up? Ano? Sabihin mo sa akin kung ano.!? *drama on*
Lately palagi akong nagkakaganito. Yung mag-alburuto na halos at umusok ang tenga at ilong, except sa part na may transformation na nagaganap. Hindi pa kaya ng powers ko yun. Ang dami naman kasing negative energy na nakapalibot sa akin ngayon na parang gusto ko nalang matuto ng feng shui para kontrahin ang malas.
Naisip ko ma-effort masyado ang ma-Badtrip. Bukod sa alam kong mas maraming muscles ang nagagamit kapag nakasimangot e nakakapangit din ang sobra nito later on in life. Afraid. Masisira pa ang tanging treasure na alam kong meron ako. Treasure yan dahil sabi nga ng genetics, everyone is unique.
Kaya kapag malapit ng umusok ang tenga at ilong ko. Alam mo ginagawa ko. Natingin ako sa salamin. Andun ang kasagutan dahil nandoon ang kagandahan. Charot.

2 comments:

  1. ano daw? "Lumalaki ka ba at nagiging green… ang utak mo?"- lol dami ko tawa.

    mam , hindi nyo po kailangang magalit dahil no sense talaga magalit. hayaan na lang. nakakapangit talaga ng wagas ang ma-badtrip. wag ho kayo matulad sa akin. sa sobrang badtrip ko araw-araw bigtime ang panget ko ngayon lol.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Na-curious tuloy ako kung anong kina-badtripan mo at mukhang mas malaki pa sa jackpot sa lotto ang dahilan ng pagka-badtrip mo kaya't nasabi mong ganoon ka ka-panget..?! Hmmm... XD

      Kaya nga iniiwasan ko talagang magalit. Iniiwasan dapat ang mga negative vibes sa mundo. Susme, bukod sa panget na nga ang kapaligiran dahil sa polusyon e daragdag pa ang muka ko? Haha..

      Delete