Malayo pa ang valetines. Kailangan pang dumaan ang pasko at bagong taon bago ang valentines. Kailangan pang tumaba ang mga taong magpapakasasa sa mga kainang magaganap ngayong darating na kapaskuhan at bagong taon. Deadma na daw muna sa diet. Next time na nila po-problemahin ang pagpapapayat pagtapos na ng Jan 1 para sa valentines. Sino nga naman ang gugustuhing sabihan ng ang taba mo ngayon pagdating ng buwan ng Feb. Wala pa akong nakilalang ganong tao.
Malayo pa ang valentines pero tuloy pa din ang bentahan ng bulaklak sa dangwa. Puro flower. Nagkakandarapa sa flowers. Iba’t ibang klase’t kulay. Yung iba nga hindi ko alam ang pangalan, basta ang alam ko bulaklak sila. Ang ganda nilang pagmasdan lalong lalo ng kapag magkakasama yung hindi magkakaparehang uri ng flowers. Ang sweet ng feeling. Nakaka-High school-kilig-level.
Syempre kasama dun sa high school-kilig-level ay ang walang habas na ligawan na nagaganap tuwing vacant period. Parang asong kung saan nalang abutan at doon tatae, ganon ang ligawan sa campus. Syempre, nakaka-angat ka kapag may bouquet of flowers na ibabalandra sa tapat mo na may kasamang love letter. Ayon e dun sa mga babaeng estudyanteng nakikita ko. Pero kung isa kang diosa na nakakulong sa katawan ng isang lalaki, asa ka pang may flower na mag-aabot. Which reminds me of a conversation.
Girl: Naku tatlong flower lang naman ang ibinibigay kapag nanliligaw ang mga lalaki.Gay: Ako nga inaantay ko pa din na may magbigay ng flower sa akin. Hanggang ngayon wala pa din nagbibigay.Girl: Hayaan mo, malay mo may magbigay sa iyo ng isang bouquet.Gay: Baka hindi ako binibigyan ng flower dahil wala akong flower na ibibigay na kapalit. Kaya ayan, Tablahan.
Ang relasyon nga naman, parang sayaw na bigayan. Kahit pa sa puntong ligawan bigayan din. Makapangyarihan talaga ang pagkakaroon ng flower.




No comments:
Post a Comment