Well hindi naman palagi. The truth will always and be forever hurtful kung hindi mo ito tanggap. Kapag sinabi kasi sa iyo ang totoo, it will always try to break the walls that you build para lang huwag tanggapin ito sa sarili mo. Kasi nga hindi mo pa tanggap.
Kung tanggap mo na yan. Kahit i-replay pa yan ng 24 hours sa tapat mo ay parang wala nalang sa iyo yun. Sasabayan mo pa sila at magda-dance dance with the rhythm that it brings. Ganyan.
Ganyan naman ng tao. Normal lang na magtayo ng bakod sa kaharian ng isang tao para protektahan ang pagkatao nito at manatiling hari sa sarili niyang mundo. Sino nga ba ang hindi aayaw maging hari di ba? Pero sa panahong may lalapit at gigiba sa itanayong harang na ito, kapag may taong magsasabi ng kasalukuyang kaanyun at katotohanan na hindi nakikita dahil sa bakod na ginawa ng isang tao sa sarili niya, doon magsisimula ang pagkawasak.
Upang makilala ang isang bagay, kailangang wasakin ito — Edgar Calabia Samar.
Truth Hurts.
Kung masaktan ka man kahit na tanggap mo na ang isang bagay, marahil ay nasasaktan ka dahil nagsawa ka na sa kakaparatang nila sa iyo ng katotohanan. Sila naman ang hindi makatanggap ng katotohanang ipinaparatang nila sa iyo. Kahit na sanay ka na at nagda-dance dance ka na sa ritmong hatid ng katotohanang isinasampal sa mukha mo, may puntong mapapagod ka sa kakasayaw. Maiinip ka sa kakaantay na sila naman ang makatanggap sa katotohanang natanggap mo na sa sarili mo.
‘wag kang mag-alala, matatanggap ka rin nila.At kahit na ano pa ang gusto mo, basta wala ka pang tinatapakan na tao, Ituloy mo lang ito.Ang mahalaga ikaw ay masaya, ‘wag mong intindihin ang sasabihin ng iba. Sila ang may problema. — Ituloy mo lang, Siakol
Imbis na magalit at masaktan sa kakaantay sa ibang taong tanggapin ang mga katotohanan sa iyo. Hayaan mo nalang. Hindi mo na problema yun. Ang mahalaga ikaw ay masaya at wala kang natatapakang tao.




No comments:
Post a Comment