Friday, October 26, 2012

Kanina lang may nabalitaan akong may nag-auction ng kanyang virginity. Asteg. Inisip ko baka pinoy yun dahil alam mo naman na magaling ang mga pinoy sa mga pagkakakitaang bagay pero hindi pala, foreigner siya.

Mali ang akala ko. Ang alam ko kasi tayong mga pinoy magaling sa pag-iimbento ng mga pakulo kagaya nyan. Sino ba naman ang gustong magutom sa panahon ngayon? Kapag may pagkakataon para kumita nakakagawa tayo ng paraan para kumita. Katulad ngayong nalalapit na undas. Dumaan ngayon sa daraanan mo pagdatin ng araw ng undas, malinis naman ang lugar at wala pa masyadong nagbebenta dun, tiyak yan pagdating ng araw ng undas o bisperas palang ng undas hindi na magkamayaw ang mga tindero't tindera na kung ano ano ang ibinibenta. Ganyan din sa amin e. Minsan nga kapag nadadaanan ko ang mga paninda nila tuwing Nov 1, napapaisip ako kung ano ba ang kinalaman ng keychain na hello kitty, screw driver, pouch bag at blouse na tinitinda nila sa araw ng mga patay. Anong kayang konek nun?

Mahiwaga talaga ang takbo ng mga utak ng pinoy pagdating dyan. Ayun lang, naunahan sila ng foreigner na nabanggit ko kanina na nag-auction ng kanyang virginity. Sayang yun ha? Malaking kita din yun. Ang kaso baka nga naman kasi hindi naman uso sa pinoy ang auction. Ano ba yung auction? Nakakain ba yun? Char.

Isa pa sigurong dahilan kung bakit wala ng gagawa noon dito sa atin dahil kaunti nalang ang virgin? Patanong talaga dahil hindi pa naman ako nakakagawa ng malawakang research kung totoo ngang kaunti nalang ang virgin sa philippine archipelago. Try ko minsan kapag nagka-budget. Siguro yung iba half-virgin nalang, yung na-medyohan lang pero hindi to the full extent ika nga ng kaibigan kong baliw din like me.

Napapansin ko sa ngayon, hindi na ganoon ka-big deal ang virginity ng isang tao. Sige na isasama ko na ang lalaki para fair sa lahat. Hindi na kagaya ng dati ng parang requirements sa school na dapat virgin ka kapag ikinasal ka. E parang ngayon nga ay kung ano ano nang nagagawa ng dalawang taong magkarelasyon kahit hindi pa sila kasal. What more pa kung kasal na sila? Hindi ko na maimagine dahil Rated SPG na ang nasa isip ko.

Naabutan ko ang panahong nagbabago na ang pananaw ng mga tao tungkol sa issue ng virginity. Nakita ko noon ang pagiging konserbatibo ng mga tao sa bagay na ito. Tikom ang bibig nila noon sa usaping virginity. Kapag nabuntis o nakabuntis, ipapakasal agad. Kahit sa west lang o kung may pera sa simbahan agad. As in agad agad. Ganon. hanggang ngayon nga hindi ko alam kung bakit tinawag na west ang pagpapakasal na hindi ginagawa sa simbahan. Dahil ba literal na sa west yung lugar? O dahil may kasal din sa east? Ah ewan.

Ngayon kasi basta magustuhan mo ang tao ay deadma na kung virgin pa o hindi. Swerte mo nalang kung virgin pa pero ok na din kung hindi. Basta mahal mo ok na yun.

2 comments:

  1. ;)) "half-virgin nalang" dami ko tawa lol! pero ya, curiosity kills virginity. Nabasa ko rin sya kahapon ng umaga. Imba yung babae ha. auction talaga. mautak lol!

    Traditional Society Vs. Modern Society, ang saklap kasi nabubuhay tayo ngayon sa gitna nitong society and it's a matter of accepting the reality na lang talaga na patuloy pa rin ang pag-evolve ng tao.

    keep on blogging.

    ReplyDelete
  2. Tama ka dyan. Mahirap ang maipit sa pagitan ng dalawang nagbabangaang betlo.. ay pananaw pala. Haha. Pero wala namang magagawa katulad na din ng isanabi mo na tanggapin nalang ang nakahain sa katotohan. Isang patunay lang na ganito ka-complex ang tao at ang buhay na kasama nito.

    ReplyDelete