Pauwi na ako kahapon. Seryoso ang mukha habang nakikinig ng musika sa aking super mint green na mp3, kabaliktaran sa kaanyuhan ko sa aking isipan na halos hindi magkandamayaw na pagsasayaw, party animal ang peg.
Nakadungaw ako sa labas habang ginagawa ang lahat ng ito. Kahit madilim wala akong paki-alam, naaaninag ko pa naman ang mga ilaw na nanggagaling sa ibang jeep na malapit. Drama ko yun at wala namang paki-alam ang mga seatmates ko sa jeep kaya diretso lang ang pagi-emote.
Tahimik ang lahat. Seryoso ang mga mukha at patingin tingin lang sa mga katabi. Nagpapakiramdaman sa mga bagay na hindi ko din alam kung ano ang pinapakiramdaman. Pasipat-sipat sa labas, sa cellphone, sa pinamili at sa relo. Mga naiinip sa tagal ng bhaye, mga nauurat sa katabi nilang nanggigitgit at inaantok na’t gusto nang mahiga sa kama.
Dumaan ang isang sasakyan. Trak. Bukas ang likod at may lamang kahoy na idi-deliver ata. Palalagpasin sana ng makulit kong isipan ang trak na ngayon ay nasa harapan na ng jeep na sinasakyan ko kaso hindi ko magawa. May nabasa ako sa likuran. Hindi ko alam kung ako ang mali o hindi. Dahil ba sa gabi na at antok na din ako para maintindihan iyon pero alam ko lang ay may mali talaga.
LOSED PLATE.
All caps at bold ang pagkakasulat. Anudaw? Losed Plate.!? Napaisip ako, meron bang salitang Losed? Ang alam ko lang na merong Lose. Pero kapag dinagdagan ng letter “D” sa dulo, parang wala akong nabalitaan. Noong una, akala ko meron talagang ganoong salita pero noong nakauwi na ako, dun ko lang napaisip na wala pa.
Oh my, I’m losed




oh your losed nga.. hihi.. ano ba past tense ng lose? hihihi (di ko alam eh)
ReplyDeleteLost na kapag past tense. Bumaluktot din ang utak ko kakaisip noong nakita ko yun. Parang pop quiz sa school. Hehe :D
Delete