Kailangan ko nang maging magaling. Ayan yung gusto kong sabihin sa sarili ko magsimula ngayon. Ngunit may kumikiliti sa isipan ko. Naguguluhan pa din ako magpahanggang ngayon kung ano nga ba ang pagkakahulugan ko bilang isang magaling.
Ayun ba yung titingalain ako ng ibang tao dahil sa mga ginawa kong magagandang bagay sa mundo o ayun yung naging kampante na ako sa naging kinalabasan ng ginawa ko kahit na hirap na hirap akong gawin ang bagay na ito at ipinilit ko pa din kahit sa huli ay hindi kagandahan ang kinalabasan.
Ang hirap.
Magkaibang perspektibo. Isang perspektibong mula sa ibang tao at perspektibong nagmumula sa loob ko. Mga perspektibong magkaiba ang tingin sa kahulugan ng magaling.
Ito yung tinutukoy ko sa pagiging sakto. Kailangan palagi tayong ganito. Ang kahulugan kasi ng isang bagay ay iba sa kahulugan ng ibang tao. Kahit pa pareho kayo ng kasarian, paaralang pinagtapusan at pagkaing nginangata, magkaiba kayo ng takbo ng isipan, magkaiba ang inyong pabibigay kahulugan.
Mahirap man na ipaliwanag ang sa ibang tao ang gusto mong ipunto dahil magkaiba nga kayo ng kahulugan sa isang bagay. Mahalaga na sa bawat oras na buhay mo ay alam mo kung ano ang kahulugan ng bagay na ito sa iyo.




No comments:
Post a Comment