Noong bata ka, marami kang kinatatakutang mga bagay. Mga bagay na kung titignan mo ngayong matanda ka na ay nakakatawang kinatakutan mo pa.
Bakit nga ba? Noong tinatanong ka noon, wala kang maibigay na dahilan kung bakit mo ito kinatatakutan. Hindi salita kundi iyak ang tugon mo sa tuwing ipipilit sa iyo ang mga kinatatakutan mo. Naalala mo pa ba?
Pero ngayong malaki ka na. Madami nang nagbago. Halos mawala na ang mga kinatatakutan mo. E ang tanging nagbago lang naman ay ang edad mo? Ano kayang nangyari?
- Dahil ba sa mas matanda ka na ngayon at mas matapang at mas malakas ka nang harapin ang mga bagay na makakasakit sa iyo ng pisikal at emosyonal?
- Dahil ba nakalikom ka na ng experience at karunungan para maintindihan ang mga bagay na noon ay iyong kinatatakutan?
- Dahil ba naramdaman mong nauubusan ka na ng panahon para maranasan ang mga bagay bagay sa mundo at kasama na doon ang tinatawag mong “takot”?
Kug ano man ang naging dahilan, ang importante ay ang iyong pagbabago.




agree ako dito bro "Dahil ba nakalikom ka na ng experience at karunungan para maintindihan ang mga bagay na noon ay iyong kinatatakutan?"
ReplyDeleteagree... :)