Hanga naman ako sa ipinakita ni Jay-R Siaboc. Yung first place daw sa Pinoy Dream Academy. Hekwali hindi ko naman talaga siya kilala, hindi ko kasi siya ka-text at hindi kami friend sa FB. Chos.! Pero hanga ako sa kanya ha?
Hindi ko naman siya crush. Siguro nakakarinig na ako nga kanta niya pero dahil hindi ko nga siya kilala ay hindi ko alam na siya na pala ang nakanta. Tanga much.
Eniwey, kung mahilig kayong makinig sa chismis sa batis, alam na ninyo na tinalikuran na niya ang showbiz. O di ba? Tumalikod talaga sa showbiz, pwede namang gumilid muna. Hahah. Hindi na kasi kuminang ang bituwin niya kaya ayun, na-laocean deep siya. As in deeper than the sunset, deeper than the rain. And he’s out.!
Napabalita kasi na bumalik nalang siya ng cebu at nag-tricycle driver nalang. Humbleness. Pero not true ang headline. Hindi naman daw siya nag-tricycle dahil hindi siya marunong magmotor. Baka taxi naman? Chos! Pero kung ano man ‘yun, malay ko din. Hindi niya naman sinabi e. Ok naman na daw siya.
Sa totoo lang, hindi talaga yun ang punto ko, dami ko pang segway. Ganito. Katulad ng kahit saang maliit na pangkat. May mga anumalya at maruruming pamamalakad. E asa pa tayo sa showbiz. Napakalaki kaya nun. At kaya niya nilisan ito dahil sa dumi ng pamamalakad dito. Ayan ang tunay na taong may prinsipyo.
Ang ganda lang ng prinsipyo niyang siya nalang ang mag-exit frame sa showbiz dahil hindi na niya nakakaya pang sumabay sa dumi ng sirkulasyon dito. Dirty siguro sila dun. Ayaw niyang mahawa at makigaya. Ayaw siguro niyang maligo sa alcohol araw araw at ayaw niya ng dirty. Eiw eiw..
Dapat ganyan ang mga taong hinahangaan ng lahat. Yung talagang alam ang kaibahan ng tama at mali at isinasabuhay ito. Clap Clap. Siguro kung naging public official siya, malamang hindi niya matapos ang termino niya at isang linggo pa lang ay mag-resign nalang siya. Sabi kasi nila madumi din daw dun. Ayun ang sabi nila, kayo ba? Ano sa tingin ninyo? Hahah..




No comments:
Post a Comment