Friend: Ate meron kayong kulay itim nito, 34B ate. Ay bakit walang foam ito ate? Yung may foam naman kahit kaunti ate, kailangan ko kasi yun. Haha.. Ate sige tatlo nito, kasya ba sa akin yang 36? Parang malaki e. Sige na nga. Kunin ko na din yan. Ay ayoko na pala… Joke lang ‘teh
Nasa kalagitnaan kami ng Divisoria at nakikipagtawarang bumili ng Bra. Kasama ko ang kaibigan kong yaman yamanan. Buti nalang at gabi na, mga 11, kaya Ok lang kahit isukat sukat pa niya ang bra sa gitna ng madilim na street ng Divisoria.
Ganyan minsan ang buhay ko sa mga kaibigan ngayon, Chimilalay, Chimi-aa con Alalay combined. Taga-payo at Taga-pakinig sa mga sawi nilang pag-ibig, Nagbibigay lakas ng loob kapag hindi nila masyadong kayang dalhin ang bibilhin nilang damit (literally at figuratively). Nagbibigay sa kanila ng kabaliwan ko na ang tanging bayad ay panlilibre ng pagkain. Ganyan.
Kagabi, divisoria ang huling destinasyon namin. Napagsaraduhan na kasi kami ng Mall dahil late na din kaming nagkita-kita. At pagkatapos ng heart to heart advise at talk namin habang naglalakad ay napagdiskitahan niyang bumili ng Bra. Yup, you read it right. Bra.
Nakakatuwa lang si Ate na binilihan namin ng Bra. May kung anong kapanatagan sa buhay niya na naramdaman ko sa sandaling panahon na pakikipag-usap sa kanya tungkol sa Bra.
Noon kasing nangungulit kami sa kakapahanap ng iba’t ibang kulay ng Bra at mga sizes ay siya naman ang hanap niya. Customer Oriented siya talaga at nagbibigay pa siya ng mga advices kung ano ang magandang bilhing Bra. Ang halaga niya ay parang dalawang sales lady combined. Sige lang ang halukay namin para makahanap ng magandang design.
Kami: Ay Ate sorry naman, nagulo na namin.Ate: Ok lang, ganyan talaga para makahanap kayo ng gusto ninyo. Ako na bahala dyan mamaya,
Noon naman nagloko ang kasama ko na ayaw pala niya sa kabila ng pagpili at paghahalukay.
Friend: Ay Ate ayaw ko na pala. (hawak na niya ang supot na may lamang tatlo-isangdaang Bra). Joke.! Baka isampal sa atin ‘to ni Ate, ginulo natin tas aayaw tayo.Ate: Ok lang, ano pa nga ba magagawa namin kung ayaw ng customer. E wala naman. Ganyan talaga ang buhay kapag nagtitinda ka.
Nagugulat lang ako sa mga revelations ni Ate. Kuntento talaga siya at alam niya ang mga maaring mangyari sa buhay ng isang tindera. Sa kabila ng lahat, nakangiti pa din siya. Kahit na sabihin na nating mahirap sa kanya ang pera. Pero malay naman natin di ba?
At dahil dun, chinika ko na ng wagas si Ate. Interview ito.
Ako: (May napansing Bra na puro foam) Ate, may nabili talaga nito?Ate: Ay magugulat ka dahil Oo, Marami nga ang naghahanap niyan e.Ako: Hindi ba masakit yan kasi puro foam?Ate: Hindi ko alam sa kanila, pero mabenta sa akin yan.Ako: Para kasing masakit saka mainit. (as if alam ko ang feeling)Ate: Naku kung wala kang suso, titiisin mo ang lahat magkaron lang.
Napangiti nalang ako. Bukod sa panatag na talaga kaming mag-usap tungkol sa binibenta niyang Bra, Walang pakundangan na din niyang sinabi ang salitang Suso out load.! Bongga.!
Kahit na ganoon ang sitwasyon niya, marangal naman dahil nagtatrabaho siya. Kahit na ang tingin sa kanila ng iba ay mababa at maliit, minsan nasisigawan at nasusungitan pa, gumagawa naman sila ng paraan para takasan o mabawasan ang kahirapang kinalalagyan nila.
Para din siya Susong maliit. Humahanap talaga siya ng Bra na puro Foam para Magkaroon lang.




No comments:
Post a Comment