“Ayokong ma-attach”, nakanangtuts… touching naman nun. Haha!
Kamakailan lang kasi umalis na si Gem at iyan ang nasabi ng kasamahan namin sa trabaho. Hekswali, lahat naman kami malapit ng mag-exit frame kaya kapag napaguusapan ang alisan, masasabi nalang ang—Ayokong ma-attach. Chos!
E ganon naman ata talaga ang buhay, walang kasiguraduhan. Sabi nga sa dati ko ding trabaho at talagang itinatak at isinabuhay ko na ang kasabihang“Change is the only permanent thing is this world” (gumaganon talaga kami dun), kaya medyo sanay na din ako. Move on, Move on lang din.
Totoo naman na magkakaroon ka ng attachement sa mga taong nakasama mo kahit na sa di katagalang panahon. May iba dyan na tatatak talaga sa iyo na paso ng sigarilyo sa balat. Hardcore talaga. Meron namang deadma lang, bye… ingat ka. Ganon.
Kahit na ganon ang takbo ng buhay, minsan 5Km o 50Km run man yan, ang mahalaga ay ang mga naging kasama mo sa takbong iyon. Kahit na mukha pa silang abnormal o mongoloid basta naging totoo at naging makatao ka sa kanila.
Dahil din sa pakikisama mo sa iba’t ibang klase at uri ng tao, matututo kang malaman at alamin ang kung sino at ano ka mismo. Parang lecture lang yan ni Prof dati na mapapa-Ahh ka nalang dahil ayun lang pala yun, bakit kailangan pang palalimin.
Basta kapag dumating ang panahong kailangan ng magkahiwalay hiwalay, mananatili pa din ang mga nakaraang masasaya at nakapagbigay sa iyo ng ngiti, tawa, halakhak at bungisngis. Kasama na dun ang pagtanggap sa kaibahan ng iba’t ibang tao sa kabila ng pagkakapantay pantay nila bilang isang tao.
At higit sa lahat na matututunan na kahit na patuloy pa din ang takbo ng buhay. Mananatili pa din sa bawat isa sa inyo ang sandaling naging attachkayo sa isa’t isa.




No comments:
Post a Comment