Friday, July 27, 2012

Blag.!


Isang malakas na tunog ang narinig. 
Nagbagsakan ang lahat ng gamit na bitbit niya at siya din ngayon ay nakahandusay sa lupa.
Nangingilid ang luha niya. Pagod na pagod na siya sa araw araw na pasakit na dala niya at ngayong nakahandusay siya sa lupa, mas ramdam niya ang pagod. Ang pagod na hindi niya mailabas labas kahit nasa bahay na siya at nagpapahinga. Yung pagod na siya lang ang nakakaramdam at pilit niyang itinatago sa iba.
Ngayon na nakadapa siya sa lupa, mas ramdam niya ang lungkot. Lungkot na pinalala pa ng pagod.
Ayun siya, ang tanging taong nakadapa sa lupa. Bukod tanging hindi nagalaw sa magulong mundong nasa paligid niya.
Suko na siya, pagod na ang utak at katawan niya. Mas gugustuhin nalang niyang humiga sa malamig na sahig panghabang buhay at umiwas sa kalupitan ng mundo.
Pero alam niyang hindi pwede. Patuloy iikot ang mundo na siya ay mapagiiwanan. Patuloy ang paghampas ng malupit na kapalaran sa kanya at alam niyang kailangan niyang lumaban.
“Ok ka lang?” Tinig na nagpagaan sa kanyang damdamin.
“Tayo ka na dyan, may tae sa gilid mo.”

2 comments:

  1. HAHA. ano ba yan... drama drama na eh, tapos tae sa gilid lang ang sasabihin ng dumaan...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ganyan minsan ang mga tao sa paligid natin, kung kailan moment na natin dun pa sila naninira ng moment. Wala silang paki-alam sa kung anong nasa kalooban mo kundi ang mga bagay na nakikita lang nila sa panlabas. Hehe..

      Delete