Friday, June 8, 2012

papalapit na oras


Hindi ko kayang magsinungaling sa sarili ko. Natatakot ako pero dapat hanapin ang kaunting lakas sa loob ko para matapos ang lahat ng ito. Sarili ko lang din naman ang kalaban ko dito.
Kanina ko pa gustong sumuko at sabihing ayaw ko na pero sino ba ang mahihirapan sa huli? Ako din naman. Ayan lang ang tanging pinaghuhugutan ko ng lakas ng loob.
Masarap sana kung meron din ibang taong magbibigay ng karagdagang lakas ng loob sa tabi ko ngayon pero ano pa nga ba ang magagawa ko? Ganito talaga ang buhay.
May katagalan na din akong naghihintay dito at parang sa bawat ikot ng orasan na kanina ko pa din tinitignan ay nanghihina ako. Nanlulumo. Nanghihina. Parang nai-excite na natatakot. Pero ang nananaig ay takot.
Habang tumatagal ang pagaantay ay siya din namang paglabas ng malalamig na pawis na produkto ng takot at kaba. Ayaw ko na pero naiisip ko na naman ang bukas. Iniisip ko nalang ang magiging kahihinatnan ng gagawin kong pagsuko ngayon.
Isang sakit nalang tapos ayun na ang huli. Bahala na mamaya.

No comments:

Post a Comment