Sunday, June 3, 2012

negosyante


Punyeta… makailan na naman kaya ako nito? Naulan pa man din. Matumal pa naman kapag ganitong panahon. Wala masyadong tao, minsan pa nga halos wala.
Kausap niya ang sarili habang papunta sa sakayan ng jeep.
Naku, paano yan kung walang tao. Walang benta. Walang kain. Nganga na naman bukas.
Patuloy ang pagsasalita ng kanyang isipan. Nakasakay na siya ngayon sa jeep katabi ang ang mga panindang gulay at isda. Punuan na ang mga jeep at handa nang mamahinga ang mga tindera sa kani-kanilang bahay.
Nakatingin lang siya sa labas ng jeep at tuloy pa din ang hiyaw ng kanyang isipan. Muntik na siyang lumagpas sa kanyang destinasyon pero salamat nalang at naalipungatan siya ng makita niya ang mga pulang ilaw sa tapat ng kanyang patutunguhan.
Suot ang napakaiksing palda at spagetti stap na blouse, sasabak na naman siya sa isang gabing puno ng kamunduhan.
Sana maraming tao, isang gabi na naman, makakaraos din yan.

No comments:

Post a Comment