Saturday, June 23, 2012

magkaiba talaga sila


image
Nakita ko lang sa FB. Obvious naman siguro dahil sa katagang “If you agree please SHARE this” sa ilalim nito di ba? Pero pwede din naman i-share yan dito sa Tumblr. Chos!
Natatakot lang akong magcomment at i-Share yan sa FB dahil baka may ma-Mema pa ang ibang mga friends ko, iwas paparazzi lang. Kaya dito nalang ako mag-iingay. Haha!
Mabalik na nga sa picture above. Ang laki talaga ng kaibahan ng isang boss at leader. Siguro iniisip ng karamihan, iisa lang yun pero hindi. Pwedeng maging isang leader ang boss pero ang boss minsan hindi nagiging isang leader. Gulo no? Pero basahin mo lang ng mabagal, makukuha mo din ang gustong kong sabihin.
Kung mapapansin kasi mas-Negative ang mga nasa side ng pagiging isang boss. Parang mas wala silang puso kaysa sa isang leader. Kaya siguro maraming mga empleyado ang stress kapag nauwi sila sa bahay dahil sa bossnila. Pero kung isang totoong leader ang boss nila, siguro may ngiti sa mga labi nila kapag nauwi sa kani-kanilang tahanan.
Mahirap nga lang makahanap ng taong may leadership potential para maging isang boss. Kasama na sila sa listahan ng endangered species sa mundo. Kaya kung sakali man meron kayong kilala na totoong leader sa totoong buhay, itago nyo na yan sa baul. Kung pwedeng i-preserve e gawin nyo na. Mahirap na makahanap nyan ngayon.
Lahat naman ng tao pwedeng maging boss pero nakakalimutan maging isang tunay na leader. Iba kasi ang attitude ng isang tunay na leader. Tama Ate Charo, nasa attitude yan. Kasama na din siguro sa kung paano pinalaki ang isang tao pero malay naman natin baka innate na sa kanila yun.
Ah basta magkaiba talaga sila.

2 comments:

  1. i first encouter that sa school, ganyan din mismo linalaman ng shinare samin ng instructor namin sa NSTP.... very true talaga. magkaiba sila, at mas gugustuhin ko na makasama ang LIDER... thanks fr posting:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat sa kaunting minutong pagbabasa mo! Mahirap nga lang makakita ng isang totoong lider ngayon dahil sa dami ng tukso at iba't ibang mga rason kung bakit parang mas gusto nilang maging isang "Boss" nalang.

      Delete