Uso ngayon ang revival. Pansin nyo ba? Ang daming mga kantang hindi mo na talaga alam kung sila talaga ang may compose dahil ipinapasikat ng ibang singer ang kanta ng iba. Ang gulo gulo lang ng mundo.
Siguro tama nga na wala ng maisip na kanta ang mga singers o kapos ang supply ng composers na kagaya ng sinabi ni tadongdaniel sa kanyang sulatin?
Bakit nga ba naman kasi hindi sumugal ang mga singer sa mga bagong tunog? Ayaw ba nilang mag move-on?
Pero siguro isang dahilan kung bakit nila niri-revive ang mga kanta dahil gusto lang nilang marinig ng makabagong henerasyon ang mga tunog ng nakaraan. Gusto nilang ipakilala ang mga magagandang kanta noong panahong pinaplano palang silang gawin o ginagawa palang o wala pa silang appreciation sa music.
Uso ngayon ang revival pero sana hindi maging dahilan ito para hindi gumawa ng mga bagong kanta. Sana lang huwag umasa sa ibang artista o composer na hirap na hirap gumawa tapos papasikatin nila at hindi man lang nakikilala ang totoong lumikha.
Pero ano naman ang magagawa natin di ba? Isa lang din naman ako sa mga nagbubukas ng radyo o telebisyon para makinig sa mga revival nila. Kaya minsan kapag nakakarinig ako ng mga kanta ngayon, iniisip ko kung sila ba talaga ang may gawa nang kanta o revive lang nila.




No comments:
Post a Comment