Paikot ikot ang tingin niya sa mga naglalakihang gusali sa paligid. Yung parehong pakiramdam niya noong nawala siya sa gubat noong bata pa siya. Nagtataasan ang mga puno noon at hindi din niya matunton ang daan pauwi.
Iba nga lang ang sitwasyon niya ngayon dahil hindi na puno ang nagtataasan kundi mga building.
Mausok ang paligid. Sanhi ng mga nagdaraang mga bus at jeep na walang pakundangan kung makapagbuga ng usok sa kani-kanilang tambutso. Halos bumalot ang kadiliman sa lahat ng madaraanan ng mga sasakyan.
Sa gubat noong naligaw siya, puro huni ng ibon at mga naglalarong dahon lang sa hangin ang narinig niya. Payapa at di hamak na mas malayo sa dumi ng hangin na nasa harapan niya ngayon.
Naglalakad siya ngayon sa kawalan. Hindi alam ang gagawin.
Kanina pa siya pagod na pagod sa paglalakad pero hindi niya alam kung saan makakakuha ng makakain. Wala na siya sa gubat na mayaman sa iba’t ibang uri ng prutas na pwede lang pitasin at gawing laman tyan.
Sa isip niya.
“Sa simula lang ‘to makakaraos din”




No comments:
Post a Comment