Kapag nagsimula ng tumibok ang puuu ...so (oh wag bastos ang isip) mo, malamang sa alamang ay hindi malayong may mabuo. Mabuong pamilya. Ganon.
Sa pangahon ngayon, kapag nagmahalan na ng bonggang bongga ang dalawang tao, hindi na inaantay pa ang kasalan para bumuo ng beybi. Minsan pa nga naka-video pa, sosyal lang di ba? Amateur porn star lang ang peg. Wapakels sila sa kung anong mangyayari basta lang mairaos ang naghuhumindik na kaligayahan at init ng katawan. Yun na yun eh, nasa moment na. Kahit konsesnya, hindi kayang komontra.
At ano pa nga ba ang kalalabasan kapag nagbasketball na ang dalawang tao sa kama. Tapos ng ma-shoot ang ball. EAnoPaNgaBa? Di welcome mo na ang beybi after 8 months, minsan nga mas maaga pa sa eight months.
Dito minsan nagkakaproblema. Kapag bumuo ka na ng pamilya, hindi ba dapat buohin mo ito ng walang tulong sa iyong pamilya? Sariling pamilya mo na kasi yun at responsibilidad mo na. Kailangan mo nang tumayo sa sarili mong paa. Dapat hindi mo na iasa pa sa pinanggalingan mong pamilya.
Ang hirap kasi sa sistema natin ngayon, hindi pa din naalis sa puder ng mga magulang ang mga anak nilang nag-aasawa na. Oo, hindi ko naman against sa ganitong sitwasyon kung walang wala talaga ang mag-asawa pero, hindi ba nakakahiya yun? Mga magulang mo na ang nagpaaral sa iyo tapos kapag nag-asawa ka na, aasa ka pa din? Kahit mayaman ka siguro parang nakakahiya pa din yun e.
Kapag nag-simula ka ng bumuo ng pamilya. Isang napakalaking responsibilidad na agad ang iniimbitahan mo sa buhay mo. Hindi lang naman sa sarili mo na ang iisipin mo sa kapag may pamilya ka na, kasama na dun ang asawa't anak mo. At hindi ba nasabi sa school na kailangan mong bigyan ng magandang kinabukasan ang magiging pamilya mo? Kasama na dun ang sariling bahay ninyong pamilya.




No comments:
Post a Comment