Thursday, May 17, 2012

walang hiyang adik na yun hindi pa siya maglason letche


May holdup daw na naganap sa tapat namin kanina.
Yun talaga ang pangbungad na chika sa akin ni mudrabelles pagdating na pagdating ko ng bahay, hindi pa nga ako nakakapagpalit ng damit pambahay eh. Oh di ba? Updated lang sa mga kaganapan.
Halos kakatapos pa lang daw nung holdup nung dumating ako, e alas sais palang yun. Maliwanag pa at ang daming taong sa kalsada. Hindi naman tago ang lugar namin at madami pa ngang bata ang nagtatakbuhan sa kalye tas may na-holdup? Ano ‘to lokohan?
Bumbay daw ang kawawang biktima na parang napadaan lang dito at yung nang holdup eh sabog ata sa kung ano at mapula pa ang mata. Pakiramdam ko, huli sa dynamite yung nangholdup dahil mapula mata e. Sana lasog lasog na din ang lamang loob niyang letche sya, hindi pa siya maglason, walangya.
May tao pa ngang naka-istambay sa tapat nila habang hino-holdup yung bumbay. Kita din ni mama dahil nasa labas siya. Kaya tinanong ko.
“E bakit walang tumulong?”
Hindi din alam ni mama kung bakit. Pero siya gusto na din daw niyang sumigaw para mapansin ng mga manhid na mga istambay sa labas at makuyog yung holduper pero natatakot din siya kasi baka siya naman ang mabuntungan ng hangal na kaluluwang sira ulong holduper. Kilala din kasi ng mga istambay yung nangho-holdup.
Ayun pala. Dun nagsisimula ang problema.
Bakit kailangan kunsintihin ang mga masasamang gawain at parang nagiging kaswal nalang ito.
O ngayon kung kilala nila? Kung alam naman nila na masama yung ginagawa ng tao, hindi pa ba sapat na dahilan yun para sitahin o pigilan man lang?
Saka holdup yun. Krimen sa batas na tao. Para naman hindi sila maapektuhan. Baka kasi hindi sila mga tao.
Ang masakit pa dito, lumakad lang na pasuray suray yung walang hiyang adik hindi pa siya maglason letche sya papalayo sa bumbay. Parang wala lang. Kaswal lang.
Kung ako sa bumbay, kinuha ko yung helmet ko tas pinukpok ko sa walang hiyang adik na yun hindi pa siya maglason letche sya habang nakatalikod para makaganti. Tas sagasaan ko pa ng motor para mas exciting.
Nakakainis lang. Dapat tumulong man lang yung mga istambay na yun. Nakita na naman nila at mas makakatulong sila dahil kilala naman nila yung walang hiyang adik na yun hindi pa siya maglason letche sya.
Ang pagbabago nga naman hindi napupulot sa daan. Dapat magsimula sa sarili.

No comments:

Post a Comment