Saturday, May 19, 2012

saan aabot ang bente pesos mo?


Masayang balita ang pagdadagdag ng sahod sa lahat! Yey, may dagdag na 20 pesos.. dapak.. Haha!
Pero sige na nga basta may dagdag keri na yan kaysa naman wala di ba? Bibihira na nga tumaas ang sahod e. Aarte pa ba?
Ngayon kasi 404 ang daily wage plus 22 para sa ECOLA (Emergency Cost of Living Allowance) bale 426 isang araw. Tapos multiply mo sa araw na ipinasok mo na minsan umaabot lang sa maximum 12 days. Tapos bawasan mo ng mga deductions kaya aabot ka lang sa 4,7++. Sa isang cut off lang yun. Multiply mo nalang sa dalawa at viola ayan na ang sinasahod ng kuya, ate, nanay o tatay mo. Ayan eh kung minumum lang sila. Ibang usapan na kapag above minumum ang sahod nila.
Yung ECOLA ay self explanatory na, tagalugin mo nalang.
At ayan po ang tutorial sa pagkukwenta ng walang kwentang sahod. Chos!
Pero ang point ko, meron bang magagawa ang 20 pesos para isang araw na dagdag? Pamasahe? Pangmeryenda? May malaking tulong kaya yung dagdag?
Kasi naman, napakalaki din ng mga presyo ng bilihin sa pink market. Haha. E sa pagkain palang pak na pak na agad ang bilihin, ikunsidera mo pa yung layo ng byahe papuntang trabaho at yung mga on the side mong gastos kagaya ng mga pagbili mo ng mani, fishball at palamig. Hehe..
At take note hindi pagdating ng november magdadagdag ulit ng 10 pesos. Susme, patingi tingi talaga ang pinas sa lahat ng bagay. 

No comments:

Post a Comment