Ilang oras ng masakit ang tyan niya. Parang gusto nalang niyang sapakin ito pero hindi naman siya tanga para lalo lang saktan ang sarili niya.
Nangingiwi na siya sa pagkakatayo. Hirap na hirap na siya kaya’t umupo nalan siya sa malapit na upuan sa tabi niya.
Hindi pa din siya mapakali.
Kanina pa siya nagmamaktol sa sakit pero parang wala namang gustong pumansin sa kanya. Nasa tabi niya ang kanyang mga magulang pero parang wala lang dito ang sakit na kanina pa niya nararamdaman.
Parang katapusan na ng mundo niya sa nararamdaman niyang sakit. Ayaw na niya ang ganoong pakiramdam pero wala naman siyang magagawa.
Sobra na ang kirot. Suko na din siya sa at halatang pagod na pagod na. Makikita ang bawat patak ng pawis niya sa noo at hindi na din maipinta ang itsura niya sa sakit.
Pinahiga na siya dahil sa nararamdaman. Lumuluha na siya sa sobrang pasakit na nararamdaman.
Napahiyaw nalang siya.
Isa pang todong sakit ang naramdaman at bigla nalang itong nawala.
Isang munting iyak nalang ang narinig sa loob ng kwarto.




No comments:
Post a Comment