Nagaabang siya sa labas ng bahay niya. Sinisipat sipat ang lahat ng mga nagdaraan. Inuusisa ang mga itsura ng lahat ng tao, mapabata man ito o matanda. Lahat ng lalaki. Oo, lahat lang ng lalaki.
Kanina pa siya nakatayo sa gilid ng pintuan. Nakahilig ang kanang bahagi ng katawan sa matibay na haligi ng pinto. Nakatitig sa kawalan. Nagiisip ng malalim.
Kumilos siya ng bahagya. Tumango ng kaunti ang ulo. Nagningning ang mga mata. Para siyang isang asong bahay na nagtutuwang makita ang kanyang amo pauwi.
At muli siyang tumigil. Huminto at nawala ang ngiting kanina’y nasa kanyang mukha.
Ang dumaan pala’y kahawig lang ng kanyang inaantay. Magkasing tangkad at magkasing kulay.
“Anak pumasok ka na dito sa bahay”. Sigay ng kanyang inang kanina pa nakatingin sa kanya sa kanyang likuran.
Kitang kita na sa kanyang mga mata ang pilit niyang itinatagong luha. Mapula na ang kanyang mga mata. Nagniningning muli dala ng luha.
“Halika na sa altar. Magsisimula na tayong magdasal para sa manugang ko”.




No comments:
Post a Comment