Friday, May 25, 2012

my turn


“… Mahal na kita.!” Sabi niya sa akin sa kabilang linya.
Nagulat ako sa sinabi niya sa akin sa kabilang linya. Hindi ko pa marinig ang mga nauna niyang sinabi dahil sa maingay ang pagsasalita ng tao sa counter para tawagin ang mga customer.
Kanina ko pa siya kausap dahil tinatanong niya kung ano ang gagawin ko sa darating na sabado dahil kung wala naman akong gagawin at yayayain niya akong magpunta sa mall para mamili ng mga gagamitin niya sa outing. Sagot naman niya ang lahat.
“Totoo ba yang sinabi mo Mr. Demiano?. Salamat.! Ako din naman sayo.!” Tugon ko na may halong kilig. Hindi ko lang pinahalata sa mga katabi ko sa upuan dahil hindi naman nila naririnig ang mga sinasabi ng kausap ko sa kabilang linya.
“O sya, malapit na akong matawag. Ibababa ko na ang phone. Kita nalang tayo mamaya.” Pagmamadali ko ng makita kong ako na ang susunod na tatawaging numero.
“Number 48 for Mr. Malinao, counter 2 please.”

No comments:

Post a Comment