“Uy, seksi” sabay tingin sa kanan.
“Oh eto namang isa maputi na seksi pa.” Tingin naman sa kaliwa.
“Napakarami naman atang mga magaganda dito sa loob? Ansan na ba ko?”Patuloy ang pagmamasid niya sa kakaibang lugar at kasama na ang mga naggagandahang mga babae sa paligid.
Lahat ng mga tanong nasa isip lang niya. Kinakausap ang sarili habang naglalakad lakad paikot.
Nakasunod ang mga mata niya sa isa pang babaeng dumaan sa tapat niya. Hindi man lang sumunod ng lingon ang kanyang ulo.
“Babe, mukhang maganda dun oh. Pasok tayo!” Dali daling hinatak ang kamay niya papunta sa tinutukoy na tindahan.
“Oh bakit parang tulala ka dyan? Anong nasa isip mo?” Taning tanong ng kanyang nobya.




No comments:
Post a Comment