Maingay sa kalsada. Sunod sunod ang daan ng mga sasakyan, mapa-jeepney man o pribadong sasakyan. Mausok at maalikabok pero hindi pa din paaawat ang mga batang naglalaro sa tabi ng daan. Maingay at mukhang nag-aaway.
“Akin na kasi yan!” Bulyaw batang lalaki habang pilit na kinukuha ang laruang kotse sa isa pang bata. Galit at nangingintab sa pawis ang balat.
“Ayaw!” Pasigaw na tugon ng kalaro niyang nakasimangot sa kanya.
Dumaan ang isang itim na van. Huminto sa tapat ng mga batang nagaaway.
Tumigil ang ingay sa paligid.
Tuloy pa din ang daan ng mga sasakyan sa daan.
Naiwan nalang ang laruang kotse na kanina lang ay naging dahilan ng isang pag-aaway.




No comments:
Post a Comment