Wednesday, May 2, 2012

kalsada + jeepney + kalesa × tao = alam na!


Uhh, I remembered something (umi-english? Arte much!), Kapag nakasakay na sa jeep, palagi kong iniisip kung ano bang tumatakbo sa isip ng driver at bakit gustong gusto nila ang gumilid? E ang luwag naman ng gitnang daan?

Pwede na ngang tumambling sa gitna dahil allergic halos lahat ng mga jeepney driver dito, lahat sila nasa gilid lang. Meron atang multo sa gitna at takot na takot silang gumitna. Minsan pa nga halos dumausdos na sila sa sidewalk para lang makagulid. Anuber.?!

Alam ko namang buhay ng driver ang mga taong nasakay sa kanila kaya the more people the merrier ang kaso parang waiting in vain ang theme song ng mga taong nasa loob na ng jeep nila. Unti unting gumuguho ang pangarap nilang huwag ma-late sa kada minutong pag-aantay. Napakadami naman kasing mga jeep ngayon kaya mataas ang competitions, katulad noong madaming graduate ng nursing, wala ng trabaho para sa taas ng supply ng mga graduates at kaunti lang ang demand ng job openings. Gamitin ang Supply and Demand Theory, ganyan.

May nabalitaan ako na nachismis lang sa akin ng mga chismosa dun sa batis na may balak na gawing monthly na din ang sahod ng mga jeepney drivers dahil kulang na kulang din ang nakukuha nilang boundary sa isang araw, para din daw mabawasan ang paguunahan ng mga jeepney drivers sa kalsada sa pagkuha ng mga pasahero. Pero syempre reklamo much ang mga may ari ng mga jeepney operators dahil malulugi sila at malamang ay kauting jeep lang ang ipagmaneho nila. Ehh ganon talaga, dapat may mag-adopt sa changes sa buhay. Nothings permanent in life. Chos!

Kung iisipin, noong mga unang panahon... panahon pa ng hapon. Kaunti lang naman ang jeep noon eh. In ang kalesa. Healthy pa kasi ang mga kabayo noon dahil hindi pa mausok ang dadaanan nilang kalsada. Nakakaawa lang yung mga kalesa ngayong makikita mo na naglalakas loob makipagsabayan ngayon sa tapat ng City Hall ng Manila, magkaka-TB yung mga kabayong yun. Kawawa much.

Naka-survive nga yung mga tao dati sa six seater jeep, tapos kaunti lang yung mga yun. E bakit ngayon halos kasing haba ng limousine tapos i-multiply mo pa sa infinity, ganon kadami ang jeep ngayon. Hay kalerqui.

No comments:

Post a Comment