Open naman (siguro) ang mga tao patungkol dito at panigurado lahat naman ay naiintriga talaga ng bonggang bongga kapag ito ang topic sa hapag kainan. Madami pa kasing mga bagay ang gumugulo sa mga isipan ng ibang tao at madami dami pa din ang curious sa kanila at mga gawa nila. Kalimitan sila yung mga taong magbibigay sayo ng wagas na ngiti mo kapag kasama mo sila dahil sa wagas na kulitan at kalokohan. Kilala mo na ba sila Ate Charo? Sige po, sasabihin ko na. Hindi naman specific person ang tinutukoy ko, sila po ay yung mga gay friends natin.
Pahirap pa ako no? Dami ko pang segway, pwede ko namang sabihin na yung mga bading, bekla, bektas, bekbek, badaf, geisha, at marami pang ibang mga pwedeng itawag. Buhay ang wika ate charo, buhay po talaga sila dahil madami pang naimbento at maiimbentong tawag sa kanila. At Ate Charo, aamin po ako, wag po kayong mabibigla, isa po ako sa kanila. Oops, hindi pa ba halata? Hahaha.
At bukod sa dami at variations na tawag sa kanila/amin. Meron ding categorizations. Ang bongga lang dahil hindi mo pwedeng isilid sa iisang kategorya ang pagiging bading. Meron pa daw kasing iba't ibang kategorya ang mga ito. Pauso much sila.
Ayan yung mga Bi. Sila yung mga nagkakagusto pa din sa mga babae. Hindi sila exclusive for boys only, dahil kapag sawa na sila sa talong, sa mani naman sila. Sila na ang pihikan sa pagkain. Pero dito talaga ako magpo-focus. Sa mga tinatawag na Bi.
Kanina lang po ay umamin ako na isa akong geisha sa bansang felepens. Gusto ko sanang with bonggang production number ang pag-a-out ko pero effort pa yun Ate Charo kaya ok na yan. Pero bet ko pa din yung may mag confetti at loud music sa dulo. Eniwey, hindi naman po ako nagsusuot ng damit pambabae kahit na kasya sa akin ang size 0-1 ng girls. HIndi lang po talaga bagay sa masculine jaw line ko. Di kaya ng anting-anting ko.
Ayun na nga po Ate Charo, hindi ko lang makuha ang pagiging Bi. Parang nakakahilo yung nararamdaman nila. Dahil baka any moment ay magshift ang mood nila at magkagusto sila sa babae at move to trash na yung BF nila, or vice versa. Hard talaga intindihin. At isa pang hindi ko ma-gets ay (ito ay base lang sa nararamdaman ng internal organs ko at kung iba man ang nararamdaman ninyo, message nyo 'ko) bakit ang baba ng tingin ng mga Bi sa mga gay na napatol lang exclusively sa mga lalaki?
Madami dami na din akong nakikilalang Bi at naging mga kaibigan din pero bakit ganoon ang nagiging siste? Dahil po ba they can move in both worlds? Oh ayan napa-english ako (as if tama?) dahil sa bugso ng damdamin. Dahil ba mas accepted pa din sila dahil nagkakagusto pa din sila sa other gender kaya ganon? Opo Ate Charo, may slight na pinaghuhugutan. Unper po yun Ate Charo, UNPER.!
Hindi ko lang talga makuha ang ganitong nangyayari sa sistema na sangkabeklaan. Pero ayun ay sa napapansin ko lang naman. Pero kung may experience kayong iba sa experience ko. Chikahin mo naman ako. Pwede bigyan mo 'ko ng seminar? Chos!




No comments:
Post a Comment