Sensationalism is a type of editorial bias in mass media in which events and topics in news stories and pieces are over-hyped to increase viewership or readership numbers. Sensationalism may include reporting about generally insignificant matters and events that don’t influence overall society and biased representation of newsworthy topics in a sensationalist, trivial or tabloid manner.
⬆ This… Irita much lang ang mga balita ngayon. Salamat kay mareng wiki sa depinisyon kahit english. Nosebleed much.
Karamihan pa naman ng mga tao ngayon, lalong lalo na yung mga walang ginagawa sa buhay kundi yung kumain na lang ng hangin at ngumuya ng alikabok, ay nanunuod lang ng TV buong maghapon. Pero parang wala pa din malalagay na maganda sa utak nila dahil sa pagiging pagkakaroon ng sensationalismo ng mga balita.
Madaming estasyon ngayon ng telebisyon na nangangako ng tapat na pagbabalita pero dahil na din siguro sa mga pinangangalagaan nilang mga interes ay nawawala ang nagkakaroon ng kaunting sensationalisamo. Kaunti lang naman yung sa iba, very very light.
Sana lang ay maging tapat ang lahat ng balita, hindi yung magdidikta sa kung ano ang dapat na madarama ng manunuod nito. May mga sariling utak ang mga manunuod kaya’t hindi dapat ito panguhanan at gawan agad ng konklusyon sa paraan ng pagbabalita. Dapat patas. Dapat bukas sa opinyon ng manunuod o makakabasa.
Karamihan kasi ng mga balita ay nagtatagal sa isipan ng tao. Minsan pa nga ay nagiging basehan na ito ng desisyon ng isang tao. Kaya dapat maging patas ito at makatotohanan.




No comments:
Post a Comment