E paano po magkakasya ang ibinibigay nilang isang pirasong styrong pagkain kung tatlo naman po kaming kakain dun.
Irita Avila. Parang gusto kong hagisan ng kahit anong madampot ko sa TV namin noong marining ko ang komento ng isang babaeng nasunugan. Naisip ko nalang na [1] mahal ang magiging kahihinatnan ng gagawin ko kung mabasag ang TV namin, [2] mapapagalitan lang ako ni mama at [3] di hamak na may utak ako sa babaeng ininterbyu sa TV.
Nakakaawa na talaga ang sitwasyon niya. Mahirap naman talaga ang masunugan, ok lang na bahain ka dahil matutuyo naman ang mga gamit mo pero kapag nasunog, no way out na yung mga minamahal mong mga gamit kundi ang pagiging abo nito.
Sige sabihin na nating mahirap sila at nakakaawa talaga ang insidenteng naganap sa kanila pero yung puntong umasa na siya sa mga tulong na ibinibigay sa kanila? 'Teh parang hindi naman tama yun?
Ang tao ay biniyayaan ng fully functional na utak kaya please lang gamitin yan, sayang. Una kasi hindi naman naging kasalanan ng lipunan na masunugan sila. Marahil ay aksidente lang ang nangyari o kung sinadya man ito may dahilan naman. Pangalawa, kung naging mahirap man siya/sila, maaring may kinalaman din siya/sila dun.
Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na mahirap ang buhay lalong lalo na sa pinas pero bakit nag-tatlo pa siyang anak? At kung sakali mang tatlo ang anak niya, wala ba siyang trabaho para buhayin ang mga yun? Bakit kailangang umasa?
Siguro naman responsibilidad niya bilang tao ang matuto para mabuhay at hindi para umasa sa ibang tao.




No comments:
Post a Comment