Wednesday, May 2, 2012

ang hirap maging mahirap


Hawak ko ang listahan ng mga colleges at universities dito sa felefens. Kailangan kasi sa ginagawa namin sa opis. At whoah.. dami dami palang accredited colleges and universities na nagkalat sa perlas ng silanganan. Mula batanes hanggang julo, saan ka man ay halina kayo.. meron ata akong makikitang school. Talagang ang edukasyon ay isang karapatang makukuha ng bawat mamamayan kahit saang lugar ng felefens.! Mabuhay.!

Pero biglang may makulit na tanong na gustong lubas sa mumunti kong isipan. Kung madaming college at universities dito sa bansa natin, bakit madami pa din ang mahirap? Di ba ang edukasyon daw ang makakapagpalaya sa atin, at kasama na dito ang kahirapan. Pero ang mapapansin nyo naman ate charo na madami pa ding mahirap. Bakit po ganon?

Out of curiosity, ipinasa ko ang katanungan sa pinakamalapit na tao sa akin, ang katabi ko. Ang mahiwagang tanong ko sa kanya, at ang linya ko pa.

"Ang dami palang school dito sa felefens, pero bakit madami pa din ang mahihirap?"

At dahil isa din siyang scientist na madaming alam na kalokohan at minsang may sense na bagay sa buhay, tumugon siya na dahil depende daw yun sa estudyante at guro. Gulo lang ng sagot nya, pa-deep pero syempre may explenasyon yun ate charo. Depende daw yun sa mga guro kung magaling silang magturo sa mga estupidents nila at depende din sa students kung gusto talaga nilang matutulo. Kaya't kahit kesehodang madaming college at universities sa felefens ay kung yung bumubuo naman ng organisasyong yun ay hindi naman marunong, wala din.

Clap Clap.. Galing talaga ng Lola mo. Bright Child.! May one point na sya ate charo. Ang galing po niya. Kaya dinagdagan ko pa ang statement of the problem.

Kung ganoon man, at kung sakali mang may mga students na magagaling na nagtapos sa kapitagpitagang mga college at universities na ito, bakit sinasabi pa din na mahirap ang felefens?
Yung isa ko namang kasamahang nasa kabilang table ay sumagot. Invited din kasi siya sa chismisan namin sa batis noong mga oras na yun. At nagbigay din siya ng mga facts (wow, matanglawin lang ang peg) na makakatulong sa usapin namin. 

Ang sabi niya, may dahil daw sa extended family na gawain ng mga pinoy. Kung tutuusin naman daw, mataas ang minimum wage dito sa pinas (WTF, yung totoo 'teh?), ang kaso nga lang dahil sa malaking pamilya ang binubo ng isang tipikal na pinoy (mga kasing dami ng isang basketball team), hindi nagkakaskya ang kinikita ng isang empleyado para suportahan ang kanyang pamilya.
Aba, napapalibutan pala ako ng mga bright child.! May one point na din po siya ate charo. Patas na po sila. Clap Clap..

Dagdag pa niya, sa china nga daw (o di ba? may research pang naganap), mas mababa ang minimum wage dahil usually isa lang ang anak ng pamilya doon. Kapag naging dalawa na ang anak nila, may tax na yung pangalawang anak. Hindi ko alam kung gawa gawa lang niya ito o kung totoo man ito base sa kung saang batis siya nakipagchismisan. Pero kung totoo man, sapat nga lang para sa isang maliit (Nanay, Tatay at isang anak) na pamilya ang minimun wage.

Dito kasi sa atin, maliit man ang pamilya, andyan naman ang extended family mo. Invited dyan ang kapatid mo, mga tito at tita, ang kapatid ng kapatid mo. Ganyan. Close Family ties nga di ba? Haist... Now I know.

Wala nga sa dami ng college at universities ang kasagutan sa kahirapan. Nasa tao din pa din ang desisyon kung gagamitin niya ng tama ang karunungang nakuha niya dito para umalis sa estado ng kahirapan.

No comments:

Post a Comment