Tenk da calendar it's saturday, half day lang sa trabaho at gala mode apter work kahit gipit sa budget at de metro ang lahat ng kilos. Gow.! Fight pa din.
Hekswali, sakto lang kasi ang budgey para sa sapatos na gusto kong makamkam. Dapat hindi lalagpas ng five hundred dahil kuripot ako at dapat matibay at fashionable ang mahanap. Kung hindi papatak sa tatlong kategoryang iyon. Deadma na. Time to move on na agad ang drama. Hoping na mayroong tagong sale sa Dept Store o mga boutiques para kahit papaano hindi ma-frustrate. Ganyan lang.
Ang katotohanan kasi, ilang buwan bago magkaroon ng extrang pera dahil sakto ang sahod. Kailangan ng mga matitinding sakripisyo at pagtitiis para lang makabili ng mga kailangan at sunod naman ang gusto. Mahirap daw kasi ang role ko ngayon sabi ni Direk. Kaya ayan, nabibigyan ko naman ng hustisya ang role. Galing ko nga daw Ate Charo, pam-pamas.! Chos!
Ayun na nga, nagikot na kami para makahanap ng minimithi kong sapatos. Ikot dun at ikot dyan at ikot kung saan pa ang drama. Buti nalang maluwag ang paligid dahil walang paparazzi na sumusunod sa amin. Sinuyod namin ang kabuuhan ng mall para maikumpara ang presyo ng mga sapatos at mga design nila. Para malaman kung saan mas makakatipid bumili. At ayun nga Ate Charo, may nakita akong malapit na sa kategorya.! Lagpas lang ng isang daan pero keri boom boom na dahil sale na siya nun at kalahati nalang ang presyo niya mula sa dati.
Kasama ang aking trusty friend ay nagsimula na kaming magpa-entertain kay kuyang kanina pa nagsasabi ng "Sir, try nyo po ito, bago po namin ito". Napaka-friendly din ni kuya. At madami siyang suggestions sa buhay. Pero hindi kami nagpabuyo sa kanya. Dun kami sa sale. Wa-pera kuya anobah.!?
Noong nagpakuha na ako ng sukat na sasakto sa paa kong mala-cinderella, bumulong si trusty friend na tanungin si kuya kung regular o contractual siya. Hindi ko alam kung bakit pero gow, wala namang masama sa pagtatanong at mukhang hospitable naman si kuya para sa mga ganoong tanong.
At nang matapos ang data gathering ni friend. May mga nalaman kaming nakaka-whut.?! Contractual lang si kuya na ibig sabihin ay any moment, pwede siyang kumanta ng goodbye to you my trusted friend sa mga trabaho niya at 380 ang per day niya. Talagang malaking question mark at ANO DAW.?!? THREE HUNDRED EIGHTY.. 426 na ang basic pay ngayon at dapat lang na 426 siya dahil nasa manila siya. Ano yan lokohan? E may mga kaltas pang magagananap sa kada cut off niya. Andyan yung SSS, Pag-ibig at Philhealth. At minsan pa, may kaltas din ang agency kapag contractual. Ano na yun 'teh? Delubyo na!
Pagoda si kuya kakatayo buong maghapon, takbo dito at takbo doon kapag madaming customer na papalit palit ng size at style ng sapatos tapos ganon lang ang bayad sa kada araw niya? Watdapak.! Inis much talaga kaming dalawa ni friend dahil may pinaghuhugutan din kami pero superlative state yung kay kuya. Magkano nalang ang sahod ni kuya kung ganoon nga ang sitwasyon niya? Mga 4k?
Inisip nalang namin ni friend na siguro naman may dagdag yun. Malay naman namin kung 6 days a week ang pasok niya. O kung napasok din sila ng holiday. O may mga incentives naman sila kapag mataas ang sales niya. Mga ganong bagay para lang hindi masyadong manlumo sa sitwasyon ni Kuya. Kakalungkot lang na hindi nabigay sa kanya yung sinasabing dapat mabigay para sa isang empleyado at iyon ang simpleng 426 na sahod per day.
At kung ganoon nga ang sitwasyon ni kuya. Kelan kaya siya nakakabili ang mga bagay na gusto din niya; kagaya ng pinagdadaanan ko ng mga panahong iyon. Ano kaya ang mga kategoryang meron siya kapag bibili ng mga bagay o gamit? Magkano kaya ang nilalaan niyang budget?




No comments:
Post a Comment